Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
“Huli man at magaling, huli pa rin.”
Ito ang sinapit ng mga estudyante, mga nag-oopisina, mga komyuter
at maging mga lokal na turistang papunta sana ng Boracay.
Hindi na umano kasi madaanan ang main bridge sa Tangalan,
Aklan na siyang ruta papuntang Kalibo at Caticlan, sanhi ng paglambot ng lupang
bahagi nito.
Ayon kay PO2 Peryl Antaran ng Tangalan PNP, natuklasan na
lamang ng mga residente at biyahero doon ang nasabing insidente dakung alas
sais kaninang umaga.
Sinasabing lumambot at nagkaroon ng malaking butas ang
lupang kinakapitan nito dahil sa malakas na pagbahang naranasan doon sanhi ng
malakas na pag-ulan.
Kung kaya’t maliban sa late o huli na sa kani-kanilang
destinasyon ang mga naperwsiyong publiko, naging dagdag na abala pa sa kanila
ang pagbaba mula sa sasakyan papuntang kabila ng tulay upang doon sumakay sa
ibang sasakyan.
Sa kabila nito ay kaagad namang sumaklolo ang lokal na
pamahalaan ng Tangalan, DPWH at mga pulis doon upang gabayan ang publiko.
Sa pinakahuling ulat naman mula kay Antaran, pansamantalang tinatambakan
ang nabutas na lupa upang hindi makapagdulot ng anumang sakuna, habang plano naman umano ng DPWH na lagyan
din muna ito ng steel plate.
No comments:
Post a Comment