Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Tumaas ng apat ang naitalang nabiktima ng paputok ngayong bagong taon sa probinisya ng Aklan, batay sa rekord ng Aklan Police Provincial Office (APPO).
Kung saan ayon kay P/Senior Supt. Cornelio Defensor, Provincial Director ng APPO, noong nagdaang taon ay nakapagtala lamang ng tatlong biktima, subalit nitong New Years eve sa pagsalubong ng taong 2012 umabot na sa pito sa naitala hanggang sa ngayon.
Nabatid mula kay Defensor na dalawa sa mga biktimang ito ay nagmula sa bayan ng Kalibo, tag i-isa naman ay mula sa mga bayan ng New Washington, Numancia, Malinao, Altavas at Tangalan.
Samantala, nagpasalamat naman ang Provincial Director dahil walang naitalang nabiktima ng ligaw na bala o kahit indiscriminate firing manlang sa pagsalubong sa 2012.
Aniya patunay lamang ito na hindi nagpaputok ng baril ang mga Pulis, at maging ang mga Army o sundalo nitong Bagong Taon.
Samantala, wala naman naitala nabiktima ng paputok nitong Pasko ayon dito.
Sa kabilang banda, nitong umaga, sabay sabay na rin tinangal ng Pulis Director sa Aklan ang mga tape na nilagay sa dulo ng mga baril ng Pulis, para masigurong hindi nila ito magagamit magpaputok sa pagsalubong sa bagong taon.
No comments:
Post a Comment