(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)
Kampante at tiwala ang CENRO Boracay na walang ipinupuslit na korales mula sa isla.
Ito ay malugod na kinumpirma ni Boracay CENRO Officer Merlita Ninang na walang nangyayari ng extraction o pagtatangal ng mga korales sa isla at inilalabas o ibinebinta sa ibang lugar katulad sa mga nangyayari sa Zamboanga na naharangang ng taga Bureau of Custom na ipupuslit na sana palabas ng bansa kamakailan lamang.
Ayon kay Ninang, dito sa Boracay ay wala pa siyang nalalaman o natanggap na ulat na mayroong pangyayari na ganito uri ng operasyon.
Pero sinabi nito na sa kasalukuyang sitwasyon ng mga korales sa Boracay, ang nangyayari dito na nakakasira sa mga yamang dagat, ay pang-a-angkla ng mga bangka.
Kung saan ito ang pinagmamalasakitan ngyaon ng Task Force Boracay kung papano maiwasan ang pagkasira dala nito.
No comments:
Post a Comment