YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 31, 2011

Desisyon ng Supreme Court sa kaso ng BFI, wala pang linaw


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nalalapit na ang oral arguments para sa kasong isinamapa ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) sa Supreme Court, kaya umaasa ngayon ang nasabing organisasyon na nalalapit na lang din na ilabas ng korte ang desisyon sa kaso.

Ito ang inihayag ni Loubell Cann, dating pangulo at kasalukuyang miyembro ng Board of Trustees ng BFI.

Ayon dito, sa oras na matapos na ang oral argument na hiling ng Korte Suprema sa apat na kampong maghaharap sa darating na ika-labingtatlo ng Setyembre , na kinabibilangan ng inakusahan partido, ang Department of Environment and Natural Recourses (DENR), Provincial Government at Philippine Reclamation Authority (PRA), ay bubuo na ng desisyon ang korte.

Pero nilinaw ni Cann na sa oral argument na gagawin sa darating na Setyembre, ang abogado nila ang mag-rerepresenta sa bahagi BFI.
Subalit sa mga nagnanais umano na mag-obserba ng oral argument, may iilang miyembro ng BFI at Sangguniang Bayan ang dadalo upang ipakita ang suporta sa kasong isinampa nila.
Sa kabila ng sinabing ito ni Cann, hindi umano nito ngayon masisiguro kung kelan maglalabas ng desisyon ang SC. 

No comments:

Post a Comment