YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 11, 2011

Kahit kulang sa pondo, pulis, seryoso sa pag-kontrol ang iligal na droga sa Boracay

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Aminado si Aklan Police Provincial Director PS/Supt. Cornelio Defensor na kulang talaga ang resources ng mga pulis para sa operasyon lalo na sa mga programa at pagtugis sa mga iligalista na nagdadala at nagbebenta ng ipinagbabawala na droga.

Ito ay sa kabila ng pag-amin ni Defensor na walang dagdag ang pondong nakalaan para sa operasyon, maliban sa natatanggap nilang buwanang resources.

Gayun pa man, sinabi nito na seryoso pa rin ang kampanya ng pulisya sa Anti Drug Campaign sa Boracay sa kabila ng kakulangan ng pondo para dito.

Naniniwala din ang opisyal na nakadepende pa rin sa mga taong gagalaw kung papano nila mapagkakasya at magagamit ang limitadong pondo na ibinibigay sa kanila.

Sa ngayon ay inutusan na niya ang Provincial Intelligence Operatives na tutukan ang problema sa ipinagbabawal na droga upang maabot ang misyon na makontrol ang pagdami ng ipinagbabawal ng gamot sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment