(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)
Labis na pasasalamat ang ipinaabot ni Fr. Magloire Adlay Placer, Kura Paroko ng Holy Rosary Parish Church, sa mga tumulong at sa pamahalaanng lokal upang maging matagumpay ang pagdiriwang ng Mahal na Araw sa isla ng Boracay.
Ito ang ilan lamang sa naisatinig ng pari sa kanyang homily sa Easter Sunday kahapon ika dalawangput apat ng Abril, dahil sa mga suporta ng mga tao sa kabila ng mga kasiyahan at kung ano pang aktibidad pero nagkaroon parin ng oras ang mga ito para sa puong may kapal.
Maliban dito, nagpaabot din ng paalala si Fr. Placer sa mga bakasyunista na pag-ingatan ang kanilang mga gamit upang hindi mabiktima ng mga oportunistang umaaligid dito sa isla maging sa loob man ng simbahan.
Sinabi pa ng pari na isinama nila sa senakulo nitong Biyernes Santo ang kasalukuyang mga isyu na kinaharap ng isla katulad ng katayuan ng simbahan sa isyu ng Casino at sa Reproductive Health (RH) Bill na nakatawag umano ng pansin sa publiko at sa ilang mamamahayag.
Samantala, sa gitna ng homily nito tila natawa na lang din ang pari at hindi naiwasang ihayag ang mapansin nitong ibang paraan sa pagdirawang daw ng pagkabuhay ni Jesus ng ilang resort sa isla na mayroong event katulad ng mga pagpapaputok ng makukulay na fireworks, inuman, sayawan at iba pa.
Gayon pa man mistulang naiintindihan din nito ang naturang sitwasyon at nilinaw na wala siyang sinasabing may masama sa ginagawa ng mga ito sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment