YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 29, 2019

Sunog na sumiklab kaninang madaling araw, patuloy na iniimbestigahan ng BFP-Boracay

Posted April 29, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEW DEPARTMENT

Image may contain: outdoorPatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire (BFP) Boracay Sub-Station sa sumiklab na sunog kaninang madaling araw  Sitio Bantud, Brgy. ManocManoc, Boracay.

Sa panayam sa imbestigador na si FO3 John Henry Eldesa, alas-tres ng madaling-araw ng makatanggap sila ng fire call na may lumalagablab sa area.

Sa kanilang pagresponde mabilis umanong kumalat ang apoy dahil sa gawa sa light materials ang mga istrakturang nakatayo na karamihan ay mga boarding houses.

Ayon pa kay Eldesa nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog dahil mayroon umanong nagsasabi at sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay nagsimula ang apoy sa dingding ng isang bahay sa lugar.

Tumagal naman ng dalawang oras ang sunog at bandang 4:58AM ito ideneklarang fire out ni Senior Fire Inspector Lorna Parcellano.

Samantala, sa pagtantiya ng BFP nasa apatnapong mga kabahayan, maliit na establishments at boarding houses ang tinupok ng apoy.

Tuesday, April 09, 2019

200 na bagong franchise para sa E-Trike Program, itutulak

Posted April 9, 2019
Inna Caro L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

“200 additional franchise para mapunan ang kakulangan sa pampublikong sasakyan”.

Ito ang hakbang na nais itulak ni Malay Acting Mayor Abram Sualog para sa nalalapit na phase-out ng tricycle sa isla ng Boracay.

Ayon kay Sualog, bago ito maisakatuparan ay dadaan ito sa isang resolusyon sa Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng Committee on Transportation.

Sa pananaw nito, panahon na aniya na dagdagan ang nasa 540 franchise dahil sa dumaraming turista at residente ng isla.

Tiwala rin itong maaprubahan ito ng Sangguniang Bayan ng Malay dahil ang makakabenepisyo nito ay ang riding public.

Kung maalala, makailang beses na-extend ang phase out ng tricycle dahil posibleng kukulangin ng sasakyan kapag ipapatupad ito agad.

Maliban dito, ang 180 units ng etrike na donasyon ng Department of Energy DOE ay hindi pa naipamahagi dahil sa mga prosesong pagdadaan ng mga benipisyaryo tulad ng “undertaking”.

Kaugnay nito ayon kay Sualog ang problema nalang ngayon upang maipamahagi na ang donasyong e-trike ay gumawa ng resulosyon ang miyembro ng SB Malay na pahintulutan siyang lumagda ng Deed of Donation sa DOE.

May requirements umano kasi si Sangguniang Bayan Member Frolibar Bautista, na dapat mayroong masterlist na pipirmahan ang mga gustong mag-avail ng donasyon na nasa 250 at ang mga hindi naman ay idadaan umano sa “raffle”.

Samantala, pabor naman ang pamunuan ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC)n a magdagdag ng 200 bagong franchise para sa e-trike program.

Katunayan ayon kay BLTMPC Vice Chairman Prudencio Vargas, sinabi nito na may proposal narin sila na magdagdag ng isangdaan at limampung franchise subalit hindi pa nila ito naihain sa Sangguniang Bayan ng Malay.

Mag-change unit na rin daw ang kooperatiba at katunayan ay may anim na silang E-Jeep na dalawa dito ay solar-operated Mini Bus.

Samantala, itinutulak naman ng national government ang Euro 4 bilang bahagi ng pag-modernize ng mga sasakyan sa Boracay.

Monday, April 08, 2019

LGU-Malay pinabibilis ang mungkahing itaas ang singil sa Environmental Fee

Posted April 8, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people
(ctto)
Kinatigan ngayon ng LGU Malay ang suhestyon ni DENR Secretary Roy Cimatu na itaas ang singil sa “environmental fee” para matustusan ang gastusin sa basura ng Boracay.

Sa panayam kay Malay Acting Mayor Abram Sualog, pinapabilisan niya na maaprubahan ang pagtaas ng environmental fee sa tulong ng Sangguniang Bayan.

“I-certify ko na “urgent” itong pagtaas ng Environmental Fee” ani Sualog.

Sa kanya umanong proposal, iminungkahi nito na itaas sa P 150.00 ang singil sa bawat turista subalit sa suhestyon ni SB Committee Chairman on Environmental Protection Nenette Graf nais nito na P 500.00 ang isisingil sa foreign tourist habang P100.00 naman sa lokal na turista.

Maliban dito, iminungkahi rin ni Sualog na gumawa ng bagong ordinansa patungkol sa garbage fee na direktang sisingil sa mga establisyemento na ibabase sa dami ng basura o per kilo.

Sa ganito umanong paraan, ang ibang recyclables mula sa mga resorts ay maaaring hindi na isasama sa hahakuting basura at pwede pa nilang pagkakakitaan.

Nag-ugat ang usapin na itaas ang environmental fee matapos umabot sa P 36.8 Million ang bayarin ng LGU Malay sa garbage contractor na ECOS para sa buwan ng Enero at Pebrero ng kasalukuyang taon.

Paliwanag ni Sualog, kung nasa P 18 Million kada buwan ang ibabayad sa ECOS ay kukulangin ang pondo ng Malay kung saan nasa mahigit P 80 Million lang umano ang budget ng solid waste sa buong taon.

Hindi rin umano sapat ang koleksyon ng kasalukuyang environmental fee na aabot lang sa P 140 Million kada taon at mapupunta pa sa provincial government ang 15% nito.

Malaki umanong tulong na taasan ang “environmental fee” dahil ito ang pinagkukunan ng Malay ng pondo para magamit sa mga proyekto ng solid waste management office at para mabayaran ang contractor ng basura na ECOS.

Bagamat may ilan pang dapat ayusin sa pagitan ng LGU Malay at ECOS, ayon kay Sualog, aantayin muna nito ang evaluation at recommendation ng Commission on Audit hinggil sa bayarin at kontrata na pinasok ng LGU.

Monday, April 01, 2019

Phase II ng Project BeSST ng PNP, tututok sa Traffic Management

Posted April 1, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 1 person, outdoor
Photo (c) Project BESST Page

Matapos ang matagumpay na Phase I na tinaguriang “Battle of the Front Beach”, ngayong Abril ay ikinasa na ng Malay PNP at Task Force ang Phase II ng Project BESST o Boracay Enhanced Security Strategy and Tactics.

Sa panayam kay Malay PNP Chief PSI Jose Mark Anthony Gesulga, ang Phase II ay tututok sa traffic management at pagdisiplina sa mga drivers.

Ani Gesulga, ang implementasyon ay sisentro sa loading/unloading, parking, at pag-check sa mga dokumento tulad ng driver’s license kasama na ang PTP (Permit to Transport) ng sasakyan at LTO Registration.

Ang mag-iiwan ng mga sasakyan sa mga non-designated parking areas o sa gilid ng kalsada ay hahatakin din ng mga enforcers alinsunod sa Traffic Ordinance No. 342

Maliban sa mga nabanggit, ayon kay Gesulga, ang pagtanggi at hindi pagpapasakay ng pasahero ng mga drivers sa pampublikong sasakyan ay isa rin sa kanilang pakatutukan.

Ayon kay Gesulga, inaantay na lang nila ang mga traffic signages na mailagay para malaman ng mga motorista ang mga designated traffic loading and unloading areas.

Samantala, kaninang umaga sa pagsisimula ng operasyon, pinulong ni PSUPT Ryan Manongdo ng Metro Boracay Police Task Force MBPTF ang composite enforcers na MAP, TREU, Beach Guard, at mga pulis na siyang pagsasamahin upang ipaalam sa kanila ang mga gagawin sa paghuli ng mga violators.

Nagpasalamat si Manongdo sa mga enforcers dahil hindi raw maisakakatuparan ang Phase II kung hindi naging matagumpay ang Phase I.

Katunayan, sa kanilang datos simula February 21 hanggang March 25, nasa 601 violators na ang naisyuhan ng citation ticket ng ilunsad ang “Battle of the Front Beach” kung saan 24.16% dito ay local violators habang 75.84% naman ay ang turista.

Dahil dito ay nakalikom sila ng kabuuang P 771,000 mula sa mga penalidad na gagamitin sa ibang proyekto at para mapondohan ang gastusin sa Phase II ng Project BESST na tinaguriang "Battle of the Mainroad".

Monday, March 25, 2019

Cocaine at Shabu nasabat sa ginawang Buy Bust Operation ng Malay PNP

Posted March 25, 2019
BORACAY ISLAND- Kalaboso ngayon ang isang Club DJ matapos itong mabilhan at makuhanan ng ipinagbabawal ng droga sa ginawang buy-bust operation ng Malay PNP kaninang madaling-araw sa Sitio Sinagpa, Balabag isla ng Boracay.

Image may contain: 1 person, standingAng suspek ay kinilalang si Rueben Mendoza y Makalintal alyas “Rio Mendoza”, 36-anyos ng Quezon City at pansamantalang naninirahan sa naturang na lugar.

Sa spot report ng Malay PNP, nabilhan si Mendoza ng isang sachet ng shabu kapalit ng P 1,100 ng poseur buyer na isang pulis.

Maliban dito, nakuha rin posesyon at kontrol ng suspek ang dalawa pang sachet ng suspected shabu at tatlong sachet ng suspected cocaine.

Ayon sa bagong upo  Chief of Police ng Malay PNP na si PSI Jose Mark Anthony Gesulga, nasa drug watchlist ang suspek at matagal na itong minamanmanan ng mga otoridad.

No photo description available.
Photo (C) Malay PNP
Sa pahayag pa ni Gesulga, maliban sa pagiging user, mga foreigner ang kadalasang parokyano o pinagbebentahan ng suspek.

Dagdag pa nito, ang mga cocaine na nasabat sa suspek ay posible umanong galing pa ng Maynila.

Kaugnay nito, ibenyahe na papuntang Iloilo ang suspek para sa drugtest at para i-sumite sa Regional Crime Laboratory Office-6 ang mga nakumpiskang illegal drugs.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drug Act of 2002.