YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, March 02, 2018

Hayaang bukas ang Compliant – Sen. Villar

Posted March 2, 2018

Image may contain: 17 people, people sitting and crowd
“Parusahan ang violators at hayaang bukas ang mga compliant”.

Ito ang isa sa mga rekomendasyon ni Senate Committee Chairman on Environment and Natural Resources Senator Cynthia Villar sa ginanap na pagdinig ng komite patungkol sa mga problema ng Boracay.

Ayon sa senadora, imbes na isara ang Boracay bakit hindi i-demolish ang mga lumabag sa environmental laws at hayaang makapag-operate ang mga establisyementong sumusunod sa batas.

Ang pahayag na ito ni Villar ay sinang-ayunan ni Senator Loren Legarda sabay ang paalala sa DENR na dapat kasuhan ang mga umabuso at nagpatayo ng straktura lalo na sa mga wetlands at forestlands sa isla.

Lumalabas sa datos ng DENR na lima sa siyam na classified wetland ay napatayuan na ng mga resorts at buildings.

Dahil dito ,nais ng mga senador na bigyan sila ng kopya kung sino-sino ang mga nagpatayo ng straktura at kung sino ang mga nanungkulan sa DENR sa mga panahon na iyon.

Ayon sa mga senador, kung isasara ang Boracay ay malaki ang epekto nito hindi lamang sa mga naghahanap-buhay dito kundi maging sa turismo at imahe ng Boracay.

Ito rin ang kahilingan at apela ni Aklan Governor Florencio Miraflores kung saan ayon sa gobernador ay meron na silang action plans ni DENR Secretary Roy Cimatu kung paano ito solusyunan sa loob ng anim na buwan.

Image may contain: one or more people, crowd and wedding
Samantala, nagpasaring naman si Senator Joel Villanueva sa DOT, DILG, at DENR na dapat magkaroon ng communication protocol para hindi malito ang publiko at tama ang impormasyon na makakarating kay Pangulong Duterte lalo na kung sensitibo ang isyu.

Sa usapin naman ng sewerage, nais ni Villar na mag-usap ang dalawang water utility na BIWC at Boracay Tubi kung ano at saan sila pwedeng mag-serbisyo at maglatag ng sewer network dahil naniniwala ang huli na walang free enterprise sa serbisyo ng tubig at waste-water.

Sa pagtatapos ng pagdinig, nais ng mga senador na pag-aralang mabuti ng DILG, DOT, at DENR ang gagawing rekomendasyon sa pangulo dahil hindi sila pabor sa pagsasara ng Boracay.

Thursday, March 01, 2018

Senate Hearing gaganapin sa Boracay

Posted March 1, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 1 person, smiling, standingNakatakdang magkaroon ng joint hearing sa Boracay bukas ang Senate Committee on Environment and Natural Resources na pangungunahan ni Senador Cynthia Villar.

Ayon kay LGU Malay Executive Assistant IV Rowen Aguirre, magsisimula ang pagdinig ala-una ng hapon kasama ang LGU Malay, Stakeholders , DENR Regional Director Jim Sampulna, DENR Secretary Roy Cimatu, DOT Sec. Wanda Teo, DILG at TIEZA.

Maliban kay Villar, ngayong araw ay inaasahan na darating ang ilan sa mga nagkumpirmang mambabatas na sina Senador Nancy Binay at Senador Sonny Angara.

Bago ang gagawing hearing, inaasahan na iikot at mag-iinspeksyon ang mga miyembro ng komite para tingan ng personal ang sitwasyon ng isla lalo na ang kalidad ng tubig-dagat at kung gaano na kalala ang polusyon dulot ng iresponsableng pagtatapon ng waste water sa drainage network ng Boracay.

Samantala, paglilinaw naman ni Aguirre sa mga kumakalat na balitang ipapasara ang Boracay, hindi pa umano sila nakakatanggap ng order mula sa national government at kung anong buwan ito ipapatupad.

Ganito rin ang pahayag ni DENR-6 Regional Director Jim Sampulna na ayon sa kanya ay isasapinal pa ng mga kalihim kung kelan ito gagawin at sa senate hearing din posibleng manggagaling ang ilan sa mga rekomendasyon.

Sa ngayon umano ay patuloy muna sila sa pag-silbi ng “Show Cause Order” sa mga nakitaan ng violation sa 25+5 setback at illegal structures sa declared forest land.

Samantala, nagpa-abot ng naman ng mensahe ang Boracay Tourist Assistance na huwag ika-alarma ang pagdating ng mga security forces dahil hindi ito gagamitin sa demolition operation bagkus ito ay karagdagang pwersa lamang para alalayan ang mga darating na senador at masigurong ligtas ang pagdadaosan ng pagdinig.

Monday, February 19, 2018

DENR-6, inumpisahan na ang pamimigay ng Notice of Violation sa Boracay

Posted February 19, 2018

Kinumpirma ngayon ni DENR-6 Regional Director Jim Sampulna na nag-umpisa na silang namigay ng notice of violation sa mga mga nakitaan ng paglabag lalo na sa mga strakturang itinayo sa forest protected areas o timberland.


Sa pinakahuling inventory report ng DENR, nasa walong-daan at apatnapu’t dalawa ( 842 ) na residential at commercial structures ang nasa timberland area na ayon kay Sampulna ay posibleng ipatanggal o bakbakin.

Dagdag pa nito, bagamat mahirap ang pagtanggal sa mga violators sa forest land ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagbigay ng notice of violation na umabot na sa limampu (50) dahil ito ang direktiba sa kanya ni DENR Secretary Roy Cimatu.

Napag-alaman din na karamihan sa mga nagpatayo sa mga bulubunduking bahagi ng Boracay ay Tax Declaration lang ang hawak at kakaunti lang umano ang may titulo maliban pa sa mga nabigyan ng FLAG-T o Forest Land Use Agreement for Tourism.

Naka-amba rin umanong ipatanggal ang mga nasa mahigit 290 na lumabag sa 25+5 easement regulation na sunod na ring papadalhan ng notice of violation.

Sa usaping sewerage, may darating umano na taga Technical Working Group para suriin at bungkalin ang drainage network sa Boracay para malaman kung sino ang iligal na nagpapalabas ng kanilang waste water at kung ma-didiskobre ay agad na ipasara.

Samantala, kinumpirma rin ng Department of Interior and Local Government o DILG-6 na darating sila sa isla bukas kasama si Regional Director Atty. Anthony Nuyda, Pebrero 20 para sa pulong na gagawing ng Technical Working Group sa Pebrero 21 at inaasahan na dito ihahain ang State of Emergency na nauna ng ini-rekomenda ng grupo para mapabilis ang pagsasaayos sa mga problemang kinakaharap ng Boracay.

Ayon sa DILG, and State of Emergency ay paraan para mabilis na mapondohan ang mga infrastructure project na ilalatag sa Boracay at sa panahong ito ay isasara ang isla sa loob ng 60-days.

Friday, February 16, 2018

Identification Card, requirements parin upang makapasok sa Boracay

Posted February 16, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Isa parin ngayon sa mga requirements ang magpakita ng ID o Identification Card upang makatawid sa isla ng Boracay.

Ito ang pangunahing napagkasunduan ng komitiba sa ginanap na pagpupulong sa Sangguniang Panlalawigan hinggil sa mga reklamong natatanggap kung ano ang mga patakaran ng Jettyport sa tuwing tatawid papuntang isla.

Sa naturang pagdinig ay iginiit ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang na kailangan pa rin mag-presenta ng ID na magpapatunay kung Aklanon o manggagawa sa Boracay ang mga dadaan sa pantalan.

Sinabi pa ni Maquirang na kinokonsidera rin nila ang pagpapakita ng cedula at kung fluent magsalita ng Aklanon.

Suhestyon naman ni Malay Sangguniang Bayan Member Frolibar Bautista na magkaroon sila ng mga Barangay ID katulad ng ipinapatupad sa Boracay dahil aniya importante ito at makatutulong rin sa mga kabarangayn sa probinsya.

Dinaluhan ito ni Vice Governor Reynaldo “Boy” Quimpo, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan Aklan, Stakeholders, Jetty Port Administrator Niven Maquirang, Malay SB Members Frolibar Bautista, Jupiter Gallenero, Dante Pagsuguiron at marami pang iba.

Blood Samaritan Program, isinusulong sa Sangguniang Panlalawigan Aklan

Posted February 16, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for sp aklanIsinusulong ngayon sa Sangguniang Panlalawigan Aklan ang pagkakaroon ng Blood Samaritan Program.

Itong programa ay para umano sa labing pitong bayan ng probinsya ng Aklan at sa pakikipagtulungan narin ng Philippine Red Cross.

Layunin umano nito na makalikom ng dugo para hindi na pumunta pa sa Roxas, o Iloilo sa tuwing nangangailangan ng dugo.

Pag-uusapan naman ito sa Committee Hearing kasama ang labing pitong alkalde, at Philippine Red Cross Aklan Chapter sa Miyerkules.

Itong programa ay inindorso ni Aklan Sannguniang Panlalawigan Member Jay Tejada.