YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 30, 2017

Kalsada sa Boracay, dapat ibalik sa atin – Bautista

Posted January 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ipina-abot ni Sangguniang Bayan ng Malay Floribar Bautista sa interview ng himpilang ito bilang pangunahing bisita sa programang Boracay Good News nitong Sabado ang kanyang hiling sa probinsya ng Aklan na ibalik na ang kalsada sa Boracay.

Nabatid kasi nais ni Bautista na i-turn-over ang Boracay Circumferential Road sa lokal na pamahalaan ng Malay.

Pinuna pa ni Bautista na pagpasok ng mga turista sa Cagban Port, makikita agad ng mga ito ang magulong kalsada ng isla.

Ayon kay Bautista, bakit hindi umano itulad ang Boracay sa development na ginagawa ng ibang world classs tourist destination sa ating bansa, at kung mayroong nais i-develop dapat na aksyunan ito lalo na sa mga infrastructure na dapat gawin dito.

Malaki umano ang isla ng Boracay, ano pa ba aniya ang opisinang ang dapat pagsabihan para maaksyunan ang problema, dahil kung pababayaan umano ito, ang mga residente at turista rin ang kawawa.

Kailangan na umanong i-develop ang traffic sa Boracay pati na umano ang drainage system.

Kaugnay nito, sakaling ma-apruban ito, magre-request umano sila sa DPWH para matulungan ang Malay at maipatupad ito.

Manoc-manoc Cargo Port, i-dedevelop- Maquirang

Posted January 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Napabilang ang Manoc-manoc Cargo Port area sa naganap na MOA signing ng Philipinne Ports Authority o (PPA), LGU Malay, Provincial Government at Manoc-manoc Barangay Council.

Sa pahayag ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang sa programang Boracay Goodnews ng himpilang ito, ang Memorandum of Agreement na pinangunahan ni Governor Joeben Miraflores ay para ayusin ang kasalukuyang pantalan ng cargo boats at barge sa nabanggit na Brgy.

Aniya, may nakalaan na umanong budget para sa contruction ng ipapagawang pantalan sa naturang lugar.

Kaugnay nito, parang piyer ang itsura ng gagawing cargo boats kung saan maglalagay umano ng dalawang rampa para sa pag-docking ng mga bangka.

Samantala, nagsurvey na umano ang PPA sa lugar at kung makumpleto na itong proyekto nakatakda itong i-turnover sa Department of Transportation o Dotr at ibibigay sa Probinsya kung saan sila na ang mag-uusap ng LGU-Malay at ng Barangay Manoc-manoc para dito.

Ang pagpapaayos umano ng cargo port sa Manoc-manoc ay malaking bagay sa mga negosyante at residente upang mapadali ang kanilang pagdala ng kanilang kagamitan at pang-negosyo sa isla ng Boracay.

Friday, January 27, 2017

Tatlong drug pusher, timbog sa Boracay

Posted January 27, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for drug bust
Tatlo na namang drug pushers ang nahuli ng mga awtoridad alas- nuebe kagabi sa ginawang drug- buy bust operation sa Sitio Bolabog, Boracay.


Ito’y matapos ang pinagsamang pwersa ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG), Malay MPS, Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), AAPSC, MARITIME Police at PDEA.

Nadakip sina Jeneveve Canja Y Jaudines,43- anyos ng Tobias,Fornier, Antique, Melchor Saron Y Flores, 46- anyos ng Tagbaya, Ibajay at Jose Salvador Timoteo Cahilig Y Salido, 34- anyos ng Poblacion, Ibajay.

Nabilhan si Canja ng sachet of suspected shabu kapalit ang P1,000 marked money galing sa poseur buyer sa kanyang boarding house sa nasabing lugar.

Samantala, nakuha naman kay Saron ang apat na sachets ng suspected shabu habang si Cahilig ay naaresto sa loob ng kuwarto ng boarding house na sinasabing isang drug den.

Narecover din dito ang tatlong piraso ng aluminum foil at disposable lighters.

Kaugnay nito, ang mga suspek ay ikinustodiya ng mga operatiba ng PAIDSOTG sa bayan ng Kalibo, kung saan nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa  Sections 5 (selling of drugs), 6 (maintenance of a den) and 11 (illegal possession of drugs) of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Mga hotel sa Boracay nasa 80-90 % bookings na para sa Chinese New Year – DOT

Posted January 27, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for chinese new year 2017
Isang araw bago sumapit ang Chinese New Year ay nasa 80 hanggang 90 porsyento na ang bookings sa mga resort o hotels sa isla.


Maliban dito, sa panayam kay  DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, pahirapan na umano ngayon ng pag-book sa mga hotels lalo na kung walk-in.

Aasahan umano ang pagkakaubusan ng mga available na rooms dahil nakikita nito ang pagdagsa ng tsinong turista dahil na rin sa state of warming-up ng bansang China at Pilipinas.

Pinaabot naman ni Veleta sa mga turista at maging sa kapwa Pilipino na i- secure ang kanilang mga gamit  para maiwasan ang mga di-inaasahang insidente habang nagsasaya.

Samantala, inaasahan na mahigpit ang seguridad na ilalatag ng Boracay PNP lalo pa at magkakaroon ng mga malalaking events maliban pa sa mga fireworks display na mangyayari sa long beach ng isla.

Sekyu sa ASU-Ibajay, binaril-patay

Posted January 27, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for shooting incidentPatay ang isang security guard matapos na barilin ng di pa nakilalang suspek sa Bayan ng Ibajay kagabi.

Kinilala ang biktima na si Edilberto Magwale Jontilano, 53- anyos, may asawa at residente ng Brgy. Poblacion, Ibajay.

Ayon kay PO3 Venus Olandesca ng Ibajay MPS, nakatanggap umano sila ng tawag galing mismo sa guwardiya ng paaralan ukol sa nangyaring pamamaril na agad namang nirespondehan ng pulisya.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad at base na rin sa mga bystanders na nasa labas ng nasabing paaralan na naka-motor ito habang binabaybay ang kalsada papuntang ASU para mag- duty ng bigla na lamang may nag overtake na motorsiklo at sa walang dahilan ay binaril nito ang una.

Nabatid na nagawa pa umanong i-park ng mga suspek ang kanilang motor kung saan bumaba ang backrider nito at nilapitan pa ang biktima at walang kaabog- abog pa itong pinagbabaril at nang masigurong ito ay patay na ay agad na umalis ang mga suspek.

Nabatid na nakita ang katawan ng biktima na nakabitin sa steel barrier ng kalsada kung saan ideneklara itong patay.

Samantala, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Ibajay PNP sa nangyaring pamamaril at para sa pagtugis ng mga suspek.