YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, August 11, 2016

“Oplan Hawan” sa Vegetation Area ng Boracay sisimulan na sa susunod na linggo

Posted August 10, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Image result for boracay beach vendorsInaasahang sa araw na ng Martes o Miyerkules sa susunod na linggo nakatakdang ipatupad ang “Oplan Hawan” o clearing operation sa vegetation area sa isla ng Boracay.

Ito ang inihayag ni Executive Assistant Rowen Aguirre ng Office of the Mayor sa ipinatawag nitong meeting kaninang umaga para sa paghahanda sa nabanggit na operasyon.

Ayon kay Aguirre kinakailangan wala ng kahit anong imprastruka sa vegetation mula sunrise to sunset o daytime na makikita sa lugar kagaya ng tent, lamesa at mga upuan maliban na lamang sa massage area na inilaan ng LGU.

Maliban dito ipinagbabawal din ang mga ambulant vendor sa beach area kahit na may permit ito kung wala sa tamang lugar lalo na ang mga illegal commissioner na agad huhulihin sa sandaling makita itong nag-aalok ng island activities sa vegetation.

Haharap naman sa ibat-ibang penalidad ang mga estabalisyemento sa beach front na hindi susunod sa mga ordinansa ng LGU kung saan maaaring kumpiskahin ang kanilang mga kagamitan sa oras na mahuli ang mga ito ng pulis at ng lahat ng mga law enforcers sa isla ng Boracay.

Ang “Oplan Hawan” ay sagot din sa sumisikip na walk way na pinuno ng mga vendors at mga imprastrakturang sumisira sa ganda ng white sand area ng isla. Layunin din nito na masawata ang mga illegal commissioners na bumibiktima sa mga foreign tourists at ibang bisita.

Aircon Technician, huli sa buy-bust operation sa Malay

Posted August 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulong sa drugsBagsak sa kulungan ang isang Aircon Technician matapos itong mahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Canyugan, Brgy. Caticlan, Malay, Aklan kahapon.

Sa pangunguna ng Municipal Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group (MAIDSOTG) ng Malay PNP kasama ang Aklan Public Safety Company (APSC) , Malinao PNP, Public Intelligent Branch, PAIDSOGT at PDEA ay na-aresto ang suspek na si Nilo Labasog y Zapico, 30-anyos isang  Aircon Technician at residente ng Brgy. Manhanip, Malinao, Aklan.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng sinasabing suspected shabu na may kapalit na P1,000 mula sa isang poseur buyer kasama ang isang foil ng sigarilyo, motorsiklo at cellphone na naglalaman ng illegal transaction.

Samantala, nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Negosyanteng koryano sa Boracay tinangkang saksakin ang kustumer

Posted August 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for tinangkang saksakinAgad na inireklamo ng isang lalaki ang isang negosyanteng koryano sa mga pulis ng Boracay PNP matapos umano siyang pagtangkaang saksakin nito sa Sitio Ambulong, Brgy. Manoc-manoc.

Base sa nagrereklamong si Hadde Salih-Hadji, 25-anyos papauwi na umano siya ng kanilang bahay ng tambangan ng sinasabing suspek na si Dong Kim at tinangkang saksakin ngunit agad naman niya itong naiwasan.

Kaugnay nito ay nagreklamo rin sa mga pulis ang live-in partner ni Kim at itinanggi ang akusasyon ni Hadji kung saan ito pa nga umano ang nanuntok sa kanyang nobyo ng tatlong beses at kumuha pa ng kutsilyo ngunit naawat naman sila ng mga tao sa lugar.

Nabatid ang itinuturong dahilan ni Hadji sa hindi nila pagkakaunawaan ng koryano ay dahil sa binili nitong sigarilyo sa tindahan ni Kim.

Ang naturang insidente ay ini-refer ng Boracay PNP sa Brgy Justice System ng Manoc-manoc.

Dating Lezo Mayor Fred Arcenio, guilty sa pag patay kay Bombo Boy Hinolan

Posted August 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for guiltyHinatulan ng korte na guilty beyond reasonable doubt si dating Lezo Mayor Alfredo "fred" Arcenio na pumatay sa dating station manager ng Bombo Radyo Kalibo na si Herson "boy" Hinolan.

Ito’y matapos katigan ng Cebu Regional Trial court ang kaso ng prosecution laban kay Arcenio na siya ang pumatay kay Hinolan noong Nobyembre 13, 2004.

Sa kabila nito ikinalungkot naman ng may bahay ni Hinolan ang naging desisyon ng korte sa pagbaba sa homicide sa halip na naunang isinampa na kasong murder laban kay Arcenio.

Si Boy Hinolan ay naging Anchorman ng Bombo Radyo Roxas bago naging station manager ng Bombo Kalibo.

Matatandaan siya ay binaril patay noong Nobyembre 13, 2004 sa bayan ng Kalibo habang boluntaryo namang sumuko si Arcenio noong March 2008 sa mga kapulisan matapos ang apat na taong pagtatago.

Si Arcenio na nakakulong ngayon sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center ay hinatulan ng korte ng walo hanggang sa 14 na taong pagkakabilanggo dahil sa nagawang krimen.

Hotline 911 at 8888 ng PANTELCO bukas na sa publiko

Posted August 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for TELEPHONEBinuksan na sa publiko ng PANTELCO ngayong buwan ng Agosto ang 911 emergency hotline at 8888 complain hotline ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PANTELCO Engineer Gabrielle Baylon, bagamat puwedi na itong gamitin ngunit meron pa umano itong NDD per minute charge plus P5.00 (VAT-in) bawat tawag base sa inimposed ng PLDT.

Nilinaw ni Baylon na ang naturang charges ay hindi mula sa PANTELCO at ito mismo ay galing sa National Telecommunication na PLDT.

Sa kabila nito binalaan naman ni Baylon ang publiko na huwag gawin ang prank call o practical joke dahil magreresulta parin ito ng charges sa kanilang bill.

Ang Hotline 911 at 8888 ay isang nationwide program ng Duterte Administration para mapabilis ang pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong sa emergency at maisumbong ang mga gumagawa ng katiwalian.