YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 23, 2016

Eye Clinic sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital, muling binuksan

Posted June 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Photo Credit: Pia Aklan
Muli ngayong binuksan ang Eye Clinic sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) nitong nakaraang araw ng Martes Hunyo 21 taong kasalukuyan.

Ayon kay Dr. Victor Santamaria Provincial Health Officer 2, ito umanong Eye Clinic ay binuksan sa nasabing araw sa presensya nina Gobernador Joeben Miraflores, Bise Gobernador at Outgoing Gabrielle Calizo-Quimpo, SP Officials, Dr Paul Macahilas at mga Department heads ng probinsya.

Aniya, matagal na umano itong hindi nag-oope kung kayat malaki umano itong tulong sa kanila at sa mga tao lalong-lalo na sa bayan ng Kalibo.
rate ito sa ospital

Maliban dito, meron na umano itong bagong facility equipment kagaya ng slit lamp, operating microscope, Phacoemulsification para sa mga nangangailangan sa pagpapa suri sa cataract, glaucoma at iba pang sakit sa mata.

Nabatid na prayoridad nito na matulungan ang mga mahihirap na Indigent na Aklanon lalo na ang mayroong PhilHealth.

Samantala, bukas naman ang kanilang operasyon simula alas- 8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali at sa hapon naman ay ala-1 hanggang alas-5 kung saan ang doktor na susuri dito ay si Dr. Dan Martelino.

PCG naka-alerto na para sa selebrasyon ng Pista ni San Juan Bautista

Posted June 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay                      

Image result for mga naliligo sa dagatBasaan Festival na naman.

Ganito kung ipagdiwang ng mga Pilipino saan mang sulok ng bansa ang selebrasyon ng Pista ni San Juan Bautista bukas araw ng Biyernes.

Dahil dito muling nag-paalala ang Philippine Coastguard sa pangunguna ni Lt. Edison Diaz Commander in Chief ng PCG-Caticlan sa mga magbabalak na maligo sa dagat o kahit saan man na mag-doble ingat lalo na ang mga bata.

Ayon kay Diaz, sa ngayon umano ay nagdadag sila ng deployment sa front beach at karagdagang augmentation na matatalaga sa kanilang opisina at sa mga lugar kung saan maraming maliligo.

Sa ngayon umano ay meron silang tinatawag na floating asset na naka waterborne at naka-deploy sa buong isla sa kasagsagan ng kapistahan.

Samantala, maliban dito ay mayroon din umano silang deployable response group na umiikot sa mga dalampasigan sa kanilang area of responsibility sa paligid ng Boracay hanggang sa papuntang bayan ng Buruangga kung saan maraming water activity o mga naliligo sa dagat.

Ang Pista ni San Juan ay ipinagdiriwang sa ibat-ibang bahagi ng bansa tuwing Hunyo-24 kung saan nagseselebra ang mga tao sa pamamagitan ng pagligo sa dagat o maging sa ilog.

Inagurasyon sa bagong administrasyon sa Malay nakatakda ngayong Hunyo 30

Posted June 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Ilang araw nalang ang natitira at magpapalit na ng bagong administrasyon ang bayan ng Malay ngayong darating na Hulyo 1, 2016.

Ngunit bago ito, isa munang inagurasyon ang magaganap sa Hunyo 30 kung saan magiging parti naman nito ang Oath Taking at symbolic turn-over.

Ayon kay outgoing SB member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre, sa July 1 naman aniya magaganap ang inaugural session, first agenda at adoption ng rules.

Nabatid na sa bagong administrasyon ay uupo bilang Alkalde ng Malay si Ceciron Cawaling habang sa pagka-bise alkalde naman ay si Abram Sualog.

Samantala, ang naturang inagurasyon ay inaasahang dadaluhan ng daan-daang supporters ng mga nanalong kandidato kasama na ang kanilang pamilya, mga stakeholders sa Boracay at ang lahat ng Department heads ng Malay.

Boarding House, niluoban ng magnanakaw

Posted June 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ninakawan sa beach sa BoracayIsa naman ngayong boarding house ang niluoban ng magnanakaw sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabag, Boracay kahapon.

Sumbong ng biktima na si Luigi Mortalla 23-anyos, residente ng Makato, Aklan at temporaryong nakatira sa nasabing Brgy. sa Boracay PNP, nagising nalang umano siya na nawawala na ang kanyang dalawang cellphone, wallet na naglalaman ng importanteng I’d at cash na P6,000 kung saan nakalagay lahat ito sa kanyang back pack bag.

Nabatid na bago mangyari ang insidente ay pumunta ang biktima sa birthday party ng kanyang katrabaho kung saan sa pagbalik naman nito ay maayos parin umano ang kanyang kwarto nito at naka-lock ang pintuan pero bahagyang nakabukas ang bintana ngunit hindi naman niya ito umano inintindi.

Sa ngayon ay patuloy na ini-imbestigahan ng imbestigador ng Boracay PNP station ang nangyaring pagnanakaw sa lugar.

Wednesday, June 22, 2016

LGU Malay at MDRRMC, nagsagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Posted June 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zanmbrona, YES FM Boracay

Image result for national earthquake drillNakiisa ang Local Government Unit ng Malay sa pangunguna ng Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa National Earthquake Drill kaninang umaga.

Sinimulan ito alas-9 kaninang umaga kung saan pinamunuan din ito ni Local Government Operations Officer Chief Mark Delos Reyes.

Nabatid na lahat ng empleyado ng LGU Malay kasama ang Bureau of Fire ay isinagawa ang simultaneous earthquake drill sa pamamagitan ng pagtakip ng kanilang ulo ng kanilang mga kamay habang lumalabas sa gusali at ang pagtago sa ilalim ng lamesa.

Ang nasabing aktibidad ay isa umanong paraan upang maging handa ang bawat isa sa posibleng maranasang kalamidad.