YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 17, 2014

Korean Tour Guide, ninakawan ng pera at gadget habang naliligo sa beach

Posted September 17, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Isang Korean Tour Guide ang minalas na nabiktima ng kawatan habang naliligo sa beach kaninang madaling araw.

Ayon sa report ng Boracay PNP, nilimas ng kawatan ang 10 mil pesos, 100 US dollar na pera, at wallet na naglalaman ng mga card at ID ng tour guide na nakalagay sa kanyang hand bag.

Aminado rin ang tour guide na iniwan niya ang kanyang bag sa dalampasigan kahit may mga laman itong mahahalagang gamit at pera.

Samantala, ayon pa sa report, isang lalaki umanong nakasuot ng jacket ang napadaan sa lugar na tila may kung anong hawak sa kanyang kamay at papuntang station 3.

Kaagad nagsagawa ng manhunt operation ang mga pulis subali’t bigo ang mga itong mahuli ang suspek.

Lalaki sa Boracay, napagtripan ng riding in tandem

Posted September 17, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Pinsalasa sa mukha at iba’t-ibang parte ng katawan ang tinamo ng isang lalaki sa Boracay matapos pagtripan ng riding in tandem kagabi.

Ayon sa report ng Boracay PNP, pauwi na ang biktimang si Leo nang madaanan ng dalawang hindi nakilalang suspek na nakamotorsiklo at pinagtulungang bugbugin.

Bubugbugin din sana ng mga ito ang kasama ng biktima subali’t masuwerte naman itong nakatakas.

Samantala, mabilis ding tumakas ang mga suspek matapos ang insidente sakay ng kanilang motorsiklo.

Mga bagong street lights sa Boracay, tinatrabaho na ng LGU Malay

Posted September 17, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maaari nang magkaroon ng bagong street lights sa isla ng Boracay.

Ayon kay Municipal Engineer OIC Eng. Arnold Solano, tinatrabaho na nito ang program of works para sa mga nasabing street lights kung saan meron na din umanong budget para dito ang LGU Malay.

Katunayan, naghahanap na rin umano sila ngayon ng supplier para sa ibang desinyo ng poste matapos imungkahi ni Boracay Island Administrator Glen Sacapaño na ibahin ang design ng street lights.

Nakatakda rin aniya nilang talakayin ang budget para sa naturang proyekto.

Samantala, nabatid na ang mga nasabing street lights ay isa sa mga paghahanda ng LGU para sa nalalapit na Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit 2015 sa isla ng Boracay.

Tuesday, September 16, 2014

Baha sa harap ng Boracay Hospital, inaasahang di na mauulit

Posted September 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Inaasahan umanong hindi na mauulit ang baha sa harap ng Boracay Hospital.

Ayon kay Municipal Engineer OIC Engr.Arnold Solano, magtutuloy-tuloy na ang t
ubig sa drainage matapos itong pagtulungang linisin ng Boracay Redevelopment Task Force, BSWAT at Boracay Action Group nakaraang linggo.

Maliban dito, nag-usap na rin umano sila sa LGU at BIWC kaugnay ng pagbubukas ng iba pang man hole para sa paglilinis ng iba pang drainage sa isla.

Samantala, sinabi pa ni Solano isusunod na rin nilang akysunan ang drainage at baha sa gilid ng Boracay National High School at sa main road ng Pinaungon Ibaba.

Magugunitang madalas binabaha ang kalsada sa harap ng Boracay Hospital dahil sa saku-sakong latak at tumigas na sementong nakuha sa drainage na ikinadismaya mismo ni Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño at BFI President Jony Salme.

Pope Francis, inaasahang dadalo sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2015

Posted September 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo: Pope Francis might include Aklan in his visit next year.

A separate report on Panay News said Pope Francis is expected to visit areas hit hard by Typhoon Yolanda (Haiyan) last year, possibly including Aklan.

Organizers, however, have yet to finalize the pope's itinerary in the Philippines.

The Panay News report quoted Albert Menez, chairman of the Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival Foundation, Inc. (Kasafi), as saying the pope's visit will make the Ati-Atihan festival more meaningful to the devotees. — Joel Locsin/BM, GMA News
Photo Credit By Aklan Provincial Facebook
Inasahang makikisaya sa selebrasyon ng Kalibo Ati-Atihan Festival 2015 si Pope Francis.

Ito’y bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa bansa ngayong darating na Enero 15 hanggang 19 2015 sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda kabilang na ang probinsya ng Aklan.

Ayon naman kay Reverend Father Ulysses Dalida, Administrator ng Diocese ng Kalibo, itinakda na umano sa Enero 9 hanggang 18 ang schedule ng Ati-Atihan Festival para bigyang daan ang pagbisita ng Santo Papa sa mother of all festival sa bansa.

Nabatid na napag-usapan din ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI) ang pag-iba ng schedule ng taunang selebrasyon ng Kapistahan ng Santo Niño tungkol dito.

Kaugnay nito aabot ng sampung araw ang pagdiriwang ng Ati-Atihan ngayong 2015 kumpara sa mga nakaraang taon na ipinagdiriwang lamang ng pitong araw.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga deboto ni Senior Santo Niño ang inaasahang pagdalo ni Pope Francis sa nasabing kapistahan kung saan ito ang kanilang kauna-unahang pagkakataon na masilayan ang Santo Papa.