YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, June 06, 2014

Tambisaan Port, inihahanda na sa Habagat Season

Posted June 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inihahanda na ng Brgy. Manoc-manoc ang Tambisaan Port para sa pagpasok ng Habagat Season ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon kay Manoc-manoc Baranggay Captain Abram Sualog, mayroon nalang umano silang kunting inaayos ngayon para sa mas ikokomportable ng mga pasahero.

Nabatid na ang Tambisaan Port ay dinagdagan ng mga pasilidad para mapabilis ang operasyon.

Bagamat may kaliitan, siniguro naman ng Brgy. Manoc-manoc na maayos nilang mabibigyan ng serbisyo ang lahat ng mga pasahero lalo na ang mga turista.

Maliban dito, pinagtutuunan din nila ng pansin ang daungan ng mga bangka na kung minsan ay nagreresulta ng mabagal na operasyon.

Sa kabilang banda inaasahan din ng nasabing brgy. ang pagpapaganda ng Tambisaan Port sakaling magkaroon ng sapat na pondo ang gobyerno para dito.

Samantala, tiniyak naman ni Sualog na magiging safe ang mga pasahero sa Tambisaan port pagsapit ng Habagat kung saan magtatalaga sila ng mga bantay kabilang na ang Philippine Coastguard.

Ang Tambisaan Port ang siyang nagsisilbing pantalan patawid ng Tabon Port sa Caticlan para sa mga pasaherong turista o residente man ng Boracay kapag mararanasan na ang Habagat Season.

DOT Boracay, naniniwalang ok lang sa mga turista ang mga basurang dala ng habagat sa isla

Posted June 6, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Ok lang ang mga biodegradable o matutunaw na basura, huwag lang ang mga plastic.

Ito ang sinabi ng DOT o Department of Tourism Boracay Sub-office kaugnay sa pagdagsa ng mga basura sa dalampasigan dulot ng pagpasok ng habagat sa isla.

Ayon kasi kay DOT Boracay Officer Tim Ticar, eye sore o masakit sa mata ng mga turista ang mga plastic na basura, kumpara sa mga basurang natutunaw katulad ng mga dahon.

Ok lang din umano ito, basta’t lilinisin din kaagad ng mga beach cleaners.

Samantala, muli namang nanawagan si Ticar sa lahat lalo na sa mga beach front establishments na makipagtulungan sa LGU Malay pagdating sa pagpapanatili ng kalinisan ng isla.

Naniniwala din si Ticar na galing sa labas ng Boracay ang mga basurang dala dito ng Habagat.

Thursday, June 05, 2014

BFI, umaasang bibigyang tugon ng SP Aklan ang kanilang ipinadalang position paper

Posted June 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Umaasa umano ang Boracay Foundation Incorporated (BFI) na mabibigyang tugon ang kanilang ipinadalang position paper sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan.

Kaugnay ito sa kahilingan ng BFI na 100 porsiyento lamang sa halip ng 200 hanggang 300 porsiyento ang itaas kanilang magiging bayarin sa buwis.

Ayon kay BFI President Jony Salme, hindi  naman sa mahigpit na pagtutol sa iminumungkahing Schedule of Base Market Values,  kundi sadyang mahirap para sa kanila lalo na sa may mga maliliit na negosyo ang mahigit sa 200 porsiyento.

Samantala, kasalukuyang namang pinag-aaralan ng SP Aklan at Provincial Assessor’s Office ang mga hinaing ng mga tax payers mula sa 17 na bayan sa Aklan lalo na sa Boracay bago ipasa ang bagong ordinansa.

Ito’y kasunod na rin ng urgent request ni Aklan Gov. Florencio “Joeben” Miraflores na repasohin na ang bagong Base Market Values sa probinsya.

Nabatid na itataas sa 200 hanggang 300 percent ang bagong bayarin sa buwis dahil pansamantalang isinantabi ng pamahalaang probinsyal sa loob ng siyam na taon ang General Revision ng Base Market Values dito.

American national, ninakawan ng ATM Card sa Boracay; Suspek na babae, kulong sa BTAC

Posted June 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Arestado ang isang babae matapos nakawin ang ATM Card ng isang American national sa Boracay.

Kinilala sa blotter report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang amerikano na si Mr. Bob Nicole Noval habang nakilala naman ang suspek na si Maria Mae Taturas, 26 anyos ng Arevalo, Iloilo.

Ayon sa report ng pulisya, natutulog nang mga alas tres kahapon ng madaling araw ang turista nang matyempuhan nitong kinukuha ng suspek ang kanyang ATM Card sa kanyang wallet.

Kaagad na humingi ng tulong ang biktima sa kanyang land lady para mahuli ang suspek subalit nang maabutan na umano nila ito ay hindi na makita ang nasabing ATM Card.

Samantala, kasalukuyan namang nasa kustodiya ng BTAC ngayon ang suspek.

ATV crew sa Boracay, nahulihan ng mga high-powered na armas

Posted June 5, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nahulihan ng mga high-powered na armas ang is
ang ATV crew sa Boracaykagabi.

Sa pamamagitan ng ikinasang buy bust operation ng Provincial Intelligence Branch at Criminal Investigation and Detection Group sa Sitio Pinaungon, Balabag, natimbog ang suspek na si Jerson Relojero, 29 anyos ng Barangay Cabayugan, Malinao, Aklan.

Narekober mula kay Relojero ang isang Machine Pistol Intratic 9mm Luger Model TEC-KG9, at 2 empty magazine nito; isang 357 magnum revolver;19 live ammo’s ng caliber 9mm; 6 live ammo’s ng caliber 38 revolver; 20 empty shells ng caliber 38 revolver; isang black shoulder bag, at isang 500 pesos na dusted money.

Kaagad namang dinala sa Crime Laboratory sa Kalibo ang suspek at ang mga nasabat na armas para sa examination at karampatang disposisyon.