YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 07, 2014

Parangal para sa grupo nina S/Supt. Nacion at PSInspector Mark Evan Salvo, ikinakasa na

Posted May 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ikinakasa na ngayon ang pagbibigay parangal ng SB Malay sa grupo nina S/Supt. Nacion at PSinspector Mark Evan Salvo.

Ito’y matapos ang ipinasang resolusyon ni SB Member Jupiter Gallenero dahil sa sunod-sunod na operasyon na ginawa ng nasabing grupo para tugisin ang mga gumagamit at nagbibinta ng ilegal na droga sa isla ng Boracay.

Sa kaniyang ipinasang resolusyon nais niyang bigyang papuri ang pagsisikap ng mga ito na kinabibilangan ng Aklan Provincial Police Office (APPO) at ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Si Senior Supt. Samuel Nacion ay bahagi ng Aklan Provincial Police Office kung saan si Chief PSInspector Mark Evan Salvo ay ang hepe naman ng (BTAC).

Sa SB Session ng Malay kahapon itinalaga na ang resolusyong ito sa Incoming and referrals kung saan ini-refer naman ito ni Chairman at Vice Mayor Wilbec Gelito sa Committee on Laws.

Samantala, inaasahang muling tatalakayin ang nasabing usaping ito sa Session ng Malay para sa pagbibigay pugay sa mga kapulisang tumutugis sa mga nagsasagawa ng ilegal na aktibidad sa Boracay.

Mga traysikel drayber sa Boracay, dapat na magserbisyo sa mga turista ayon sa LGU Malay

Posted May 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dapat na magserbisyo sa mga turista ang mga traysikel drayber sa Boracay.

Ito ang paalala ni Boracay Island Administor Glenn Sacapaño kasabay ng pagdagsa ng mga turista nitong nakaraang Long Weekend na naging dahilan upang kanselahin ang ipinapatupad na color coding sa mga traysikel.

Ayon kay Sacapaño, patunay umano ito na talagang tumaas ang tourist arrival sa isla dahil kinulang ng traysikel sa Cagban Port.

Maliban dito, malaki din umano ang kinita ng mga nasabing drayber kung kaya’t dapat din silang magpasalamat sa LGU Malay na tinanggal ang color coding.

Samantala, marami paring mga residente sa Boracay ang nagrereklamo dahil sa pamimili ng pasahero ng ilan sa mga nasabing drayber, sa kabila ng parehong dilaw at blue na traysikel na ang kasalukuyang namamasada sa isla.

Tuesday, May 06, 2014

Mga event organizers at establishments sa Boracay, dapat maging concern din ayon sa LGU Malay

Posted May 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dapat maging concern din ang mga event organizers at establishments sa Boracay.

Ito ang panawagan ni Island Administrator Glenn Sacapaño kaugnay sa mga ipinapatupad na ordinansa sa isla partikular ang “no smoking by the beach” at “anti-littering”.

Kasabay ito sa pag-amin ng lokal na pamahalaan ng Malay na may kapabayaan din sila kung bakit nagkalat ang mga basura sa dalampasigan dulot ng mga events nitong nakaraang weekend.

Magkaganon paman, tiniyak din ng administrador na hindi na mauulit ang nangyari.

Samantala, bagama't aminado si Sacapaño na malaking tulong ang mga events lalo pa't turismo ang ibinebenta o mina-market sa isla, nagpaalala din ito na kanilang didisiplinahin ang mga pasaway.

Pagpapaalala ng HRP Boracay sa mga turista kaugnay sa mga ordinansa sa isla, ‘ok’ sa LGU Malay

Posted May 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

‘Ok’ sa LGU Malay ang pagpapaalala ng HRP Boracay sa mga turista kaugnay sa mga ordinansa sa isla.

Tumulong kasi ang Simbahang Katoliko sa isla na paalalahanan ang mga nasabing turista na bawal ang paninigarilyo, pagdala ng pagkain at alak sa dalampasigan ng Boracay.

Ayon naman kay Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño, nararapat nga na tumulong ang lahat ng nandito sa isla upang masolusyunan partikular ang problema sa basura na dulot naman ng mga events dito nitong nakaraang weekend.

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Sacapaño sa lahat dahil sa mga naiwang basura katulad ng upos ng sigarilyo, bote ng alak at iba pang basura nitong nakaraang long weekend at kasagsagan ng LaBoracay Day.

Sinabi pa nito na kanilang kakausapin ang mga event organizers sa isla upang hindi na maulit ang pagkalat ng mga basura sa dalampasigan.

Maalaalang ikinadismaya din ng HRP Boracay ang mga nagkalat na basura dahilan upang magpaalala ito sa mga turista na dapat maging makakalikasan at mapagmahal sa Boracay.

COMELEC, muling nagpaalala kaugnay sa biometrics registration

Posted May 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Muling ipinaalala ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang ipinapatupad na reporma sa paghahanda sa 2016 Presidential Elections.

Ayon kay Malay COMELEC Officer II Elma Cahilig, hindi maaaring makaboto ang isang botante kung walang biometrics kaya’t kakailanganin ng mga ito na magparehistro para sa biometric data.

Samantala, nabatid sa naunang mga ulat na ang biometrics system ang gagamitin para sa fingerprints at larawan ng mga botante at magiging botante bago bigyan ng voter’s ID.

Inaasahan naman ngayong araw ang pagdagsa ng mga bagong botante mula sa iba’t-ibang lugar sa Malay na magpaparehistro para sa darating na eleksyon.

Kaugnay nito, ipinaalala ng COMELEC sa mga botante na huwag nang antayin pa ang 2015 bago magparehistro para maiwasan ang abala.

Bukas naman ang opisina ng COMELEC Malay sa mga nais magparehistro tuwing office hours mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Kailangan lamang magdala ng valid ID, partikular ng government ID at Live Birth para sa pagpaparehistro.

Ang pagpapa-rehistro ng mga botante sa pamamagitan ng biometrics system ay nagsimula ngayong araw, Mayo 6 ngayong taon hanggang sa ika-31 ng Oktubre sa 2015.