YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 02, 2013

Malay Health Office, nakikiisa sa selebrasyon ng Worlds Aids Day

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng World Aids Day ngayong Disyembre nagkaroon ng aktibidad ang Malay Health Office (MHO) bukas.

Dito nagsagawa sila ng penning of Red Ribbon sa Caticlan jetty port at sa Boracay front beach partikular na sa station 3 at sa dalawang bar sa isla.

Nakiisa rin sa selebrasyong ito ang Philippine Red Cross (PRC) Boracay-Malay Chapter at nagkaroon din sila ng penning of red ribbon sa back beach area.

Ayon naman sa Malay Health Office (MHO) ang kulay pulang ribbon ay simbolo ng art, love at passion towards people leaving with HIV.

Ipinaliwanag pa ng MHO na ang pagsusuot ng pulang ribbon ay pakikisimpatya lamang sa mga taong may karamdaman nito.

Sa kabilang banda, ipinaliwanag rin ng Provincial Health office (PHO) na ang taong may karamdamang HIV ay normal paring nabubuhay at pwedi paring makapag-trabaho na parang walang iniindang sakit.

Hinihikayat naman nila ang lahat ng mga taong may pagdududa sa kanilang sarili tungkol sa Aids o HIV na agad na magpakunsulta sa doktor para hindi lumalala ang inpeksyon.

DOT Boracay, nakahandang makipagtulungan sa Dept. of Health, kaugnay sa pagdiriwang ng World Aids Day

Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay

Nakahandang makipagtulungan sa Dept. of Health ang Department of Tourism o DOT Boracay sub-office para sa pagdiriwang ng World Aids Day.

Ayon kay DOT Boracay Officer in charge Tim Ticar, naghihintay pa sila ng mandato mula sa main office ng Dept. of Tourism tungkol sa gagawing programa para sa nasabing pagdiriwang.

Nakikipag-ugnayan din umano sila sa mga taga Rural Health Unit (RHU) upang mabigyan ng mga kaukulang impormasyon ang mga turista sa Boracay tungkol sa HIV/AIDS o Human immunodeficiency virus infection at acquired immunodeficiency syndrome.

Kaugnay nito, nagpaalala din si Ticar sa mga bisita tungkol sa safety ng kani-kanilang mga sarili.

Isang family oriented tourist destination umano kasi ang Boracay, kung kaya’t dapat na panatilihing maging wholesome.

Samantala sinabi pa ni Ticar na naghihintay pa sila ng instructions sa main office ng Dept. of Tourism kung ano ang mga programang kanilang ma-i-oorganize ukol sa “World Aids Day”.

Ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Disyembre ang World AIDS Day upang magkaisa ang lahat na labanan ang nakakamatay na HIV.

Saturday, November 30, 2013

Aklan PHO, pinaghahandaan na ang pagdiriwang ng Worlds Aids Day ngayong Disyembre

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinaghahandaan na ng Aklan Provincial Health Office ang pagdiriwang ng Worlds aids Day ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon sa Aklan PHO magkakaroon sila ng gay beauty contest sa Disyembre a-uno sa bayan ng Kalibo bilang isa sa kanilang mga adbukasiya.

Dito ipapaalam ng mga kalahok kung paano maiiwasan ang sakit na acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) at Human immunodeficiency virus (HIV) sa pamamagitan ng kanilang ipapakitang talento at mga sagot sa patimpalak.

Dadaluhan naman ito ng mga Doktor mula sa ibat-ibang lugar sa probinsya ng Aklan para ipaalam at ipaabot sa publiko partikular na sa mga kabataan ang mga impormasyon at kaalaman tungkol sa nasabing sakit.

Nabatid na taon-taong ginagawa ng Provincial Health Office ang ganitong klaseng aktibidad para tuluyang maipaalam sa mga tao ang kinakatakutang sakit na ito.

Kaugnay naman nito nakapagtala ang probinsya ng Aklan ng dalawamput apat na biktima ng mga nasabing sakit ngayong taong 2013.

Samantala, ipinaaabot ngayon ng PHO sa publiko na mayroon ng libreng treatment hub ang provincial hospital para sa mga magnanais magpatingin.

BFP Boracay patuloy sa pag-monitor para maiwasan ang sunog sa isla

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patuloy sa pag-monitor ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay para maiwasan ang sunog sa isla.

Ito ay may kaugnayan parin sa patuloy na rotating brown out sa Boracay, kung saan karamihan sa mga residente ay gumagamit ng kandila at mga tradisyonal na pailaw.

Ayon kay FO1 Joseph Buriel ng Boracay Fire Department, patuloy parin umano nila ngayong ikinakasa ang awareness sa publiko sa paraan ng pagbibigay paalala sa mga ito ng mga dapat at hindi dapat gawin para makaiwas sa sunog.

Kaugnay nito, muli namang nagpaalala ang BFP Boracay na mag-ingat sa paggamit ng mga kandila at kung maaari umano ay ilayo sa mga kurtina at huwag hayaang nakapatong lamang sa lamesa.

Ito ang kalimitang paalala umano nila sa mga pamayanan na gumagamit ng kandila lalo na ngayong hindi pa lubos na bumabalik sa normal ang supply ng kuryente sa isla.

Aniya, ang nakasinding kandila kapag natumba sa mga light materials, at inihipan ng hangin ay siyang madalas na pinagmumulan ng sunog.

Friday, November 29, 2013

DSWD Aklan, nilinaw na walang pinamumudmod na relief goods na may damaged

Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay

Nilinaw ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Aklan na wala silang ibinibigay na relief goods na may damaged.

Ito ay sa kabila ng kumakalat na balitang may mga natatanggap na bigas ang mga residenteng naapektuhan ng bagyo na inaamag na.

Ayon sa DSWD Aklan, nagmumula pa ang mga relief goods na ito sa kanilang Regional Office sa probinsya ng Iloilo.

Hindi naman umano nila nakitaang may sira o amag ang mga bigas na kanilang ibinibigay sa mga residente sa probinsya.

Tiniyak din ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bago nila ipamahagi ang mga relief goods ay sinusuri nila itong mabuti para sa kaligtasan ng mga bibigyan nila.

Kung totoo man umano ang mga balitang kumakalat ngayon kaugnay sa mga nasabing relief good, ay hindi ito diriktang nagmula sa kanila.