YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, April 02, 2016

Dengue patuloy ang paglaganap sa kabila ng panahon ng tag-init

Posted April 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dengueSa kabila ng mainit na panahon mahigpit parin ang monitoring ng Malay Health Office (MHO) kaugnay sa sakit na dengue.

Ito’y sa kabila ng mga naitatalang kaso ngayon ng dengue sa nasabing bayan kahit na tag-init.
Dahil dito muling pinaalala ni Malay Municipal Health Office (MHO) Health and Educational Promotion Officer Arbie Aspiras ang “4-S”.

Nabatid na ang unang S ay “seek and destroy” na nagsasabing dapat linisin ang mga lugar na posibleng pamugaran ng mga lamok, pangalawa ang “seek early consultation” na nagpapaalalang huwag nang hintayin pa ang paglala ng lagnat at magpa-konsulta agad sa doktor.

Ang sumunod namang S ay “self protection” kung saan kailangang magsuot ng mga damit na may mahahabang manggas lalo na sa mga bata at maglagay ng kulambo sa oras ng pagtulog.

At ang pang-huling “S” naman ay “say no to fogging” dahil dapat na gamitin lamang ito kung may dengue outbreak na sa lugar.

Dahil dito pinayuhan naman ni Aspiras ang publiko na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran lalo na ang mga posibleng pagamuran ng lamok kung saan maaari parin itong mangitlog kahit na hindi tag-ulan.

No comments:

Post a Comment