Wednesday, March 30, 2016

Patay na Pawikan napadpad sa Bulabog beach sa Boracay

Posted March 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit to Djila Winebrenner
Patay na ng matagpuan ang isang Pawikan o Sea turtle kaninang alas-7 ng umaga sa dalampasigan ng Bulabog beach sa isla ng Boracay.

Ayon sa Philippine Coastguard Boracay Sub-Station, ang babaeng pawikan ay may habang102 centimeter at may lapad namang 116 centimeter.

Nakitaan din umano ito ng sugat sa ulo at sa kaliwang mata na pinaniniwalaang tinaga dahilan ng kanyang agarang pagkamatay bago anurin papunta sa dalampasigan kung saan malakas ang alon dulot ng amihan.

Agad naman umano nila itong itinur-over sa Cenro-Boracay para maisailalim sa pagsusuri ang katawan nito at matukoy ang totoong dahilan ng kanyang pagkamatay kung saan sila na rin umano ang magpapalibing nito.

Nabatid na ilang pawikan na rin ang natagpuan sa mga dalampasigan ng isla ng Boracay kung saan ang kahuli-hulihan ay nitong lamang nakaraang buwan ng Disyembre na umabot ng siyam sa loob lamang ng isang araw.

No comments:

Post a Comment