Wednesday, March 30, 2016

MDRRMO Malay, handa na sa Rescue Olympic 2016 ng Governors Cup

Posted March 30, 2016
Ni Inna Carol l. Zambrona, YES FM Boracay

Handang-handa  na umano ngayon ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Malay sa gaganaping Rescue Olympic 2016 ng Governors Cup sa Abril 20, 2016.

Ayon kay Valerie Tumaob Nurse ng MDRRMO Malay, isang araw lang ang isasagawang Rescue Olympic sa Calangcang Sports Complex kung saan ang magiging kalaban nila dito ay ilan sa mga bayan sa Aklan.

Nabatid na nag-undergo na umano sila ng training para sa kanilang paghahanda sa nasabing Olympic at ang magiging kasama nila rito ay ilan sa mga empleyado ng LGU Malay.

Samantala, sinabi nito na ang Rescue Olympic ay inorganisa ng Provincial Risk Reduction and Management Council o (PDRRMC) na ginagawa taon-taon bilang isa sa mga pagsasanay o paghahanda sa ibat-ibang kalamidad na maaaring manalasa sa probinsya.

No comments:

Post a Comment