Inna Carol
Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Kinilala ang suspek na si Paul Bryan Bravo y Carreon,
37-anyos ng Quezon City at kasalukuyang nakatira sa lugar.
Naaresto ang suspek matapos itong mabilhan ng 7 sachet ng
tuyong dahon ng marijuana kapalit ng P 3, 500 na buy-bust money mula sa poseur
buyer na pulis.
Samantala, sa isinagawa body search ng kapulisan nakuhaan
pa umano ito ng karagdagang 8 sachet ng marijuana.
Naging matagumpay ang pag-aresto sa suspek sa pinagsamang
pwersa ng Malay PNP, at PDEA Aklan.
Paglabag sa Section 5 at Section 11 of Article II
Republic Act 9165 o (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang
kahaharaping kaso ng suspek.