Wednesday, March 30, 2016

Budget ng LGU Malay ngayong 2016 aprobado na

Posted March 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay       

Hindi na rin pinaabot ng buwan ng Abril ang pag-aproba sa annual budget ng Local Government Unit ng Malay para ngayong 2016.

Sa 13th Regular SB Session ng Malay nitong Martes nakapaloob sa 3rd at final reading ang resolution na nag-aaproba sa nasabing budget na nagkakahalaga ng P400 Milyon.

Ang pag-aproba ay pinangunahan mismo ni Chairman of Committee on Laws at SB member Rowen Aguirre na sinang-ayunan naman ng buong konseho.

Dahil dito ikinatuwa naman ng mga department heads ang naturang balita kung saan masisimulan na rin umano ng mga ito ang kanilang ibat-ibang proyekto na nakabinbin.

Matatandaang na-delay ang pag-aproba sa nasabing budget dahil dumaan pa ito sa mahabang deliberasyon ng konseho.

No comments:

Post a Comment