Friday, April 01, 2016

Re-shuffle ng mga Comelec Officer epektibo na ngayong araw

Posted April 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelecEpektibo na umano ngayong araw ang re-shuffle ng mga Comelec Officer sa ibat-ibang bayan para sa gaganaping national at local election 2016 sa Mayo 9.

Ayon kay Malay Comelec Officer II Elma Cahilig na matatalaga sa bayan ng Nabas, ito ay base umano sa ipinalabas na memorandum ni Comelec Chairman Andres Bautista kung saan ngayong araw ay dapat na kalipat na sa kanilang mga designated areas ang mga Officer.

Kaugnay nito matatalaga naman sa bayan ng Malay si Comelec Aklan PIO Chrispin Raymundo Gerardo kung saan nakatakda naman itong mag-courtesy call sa LGU at sa mga departamento na magiging katuwang nila sa halalan.

Ang pagtalaga sa mga Comelec Officer sa ibat-ibang bayan ay magtatagal hanggang sa matapos ang eleksyon sa Mayo.

No comments:

Post a Comment