Monday, March 28, 2016

Lalaki arestado, matapos pagpupuk-pukin ng bote sa ulo ang kaibigan

Posted March 28, 2016
Ni Inna carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongArestado ng Boracay PNP ang isang lalaki na sinasabing pinag-pupokpok ng bote ng alak ang  sa ulo ang kaibigan nito sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Judy Prado 30-anyos residente ng Alegria, Buruanga, Aklan habang ang suspek ay kinilala namang si Anthony Tunod residente ng Tangalan, Aklan at parehong nakatira sa nasabing Brgy.

Sa report ng Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC), nag-iinuman umano sa bahay ng biktima ang dalawa ng biglang magkaroon ng mainitang diskusyon ang mga ito dahilan para magalit ang suspek at pinukpuk ng bote sa ulo ang biktima na nagresulta naman ng sugat.

Nabatid na dahil sa kalasingan at hindi pagkakaintindihan ang dahilan ng kanilang pagtatalo kung saan naka-kustudiya na ngayon sa Boracay PNP ang suspek.

No comments:

Post a Comment