YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 30, 2016

Tourist arrival sa Boracay nitong Holy Week tumaas ng 8% kumpara noong 2015

Posted March 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tumaas ngayon ng walong porsyento ang naitalang tourist arrival sa Boracay nitong Holy Week kumpara sa kaparehong petsa noong 2015.

Base sa datus na inilabas ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay pumalo sa 49, 026 ang tourist arrival nitong Holy Week, kung ikukumpara sa Holy Week tourist arrival na 45, 055 ng nakaraang taon.

Sa nasabing datus simula Marso 29 hanggang Ester Sunday ang kinuhang kabuuang total ng Mtour kung saan nagpapakita na ang Huwebes Santo ang siyang may pinakamaraming turistang pumunta sa isla ng Boracay na may bilang na 11, 096.

Samantala, Local tourist naman ang may pinakamaraming turistang pumunta sa Boracay nitong Holy Week kung saan umabot ito sa 26, 513 na sinundan naman ng Foreign tourist na may bilang na 17, 453 at OFW na 820.

Nabatid na isa ang isla ng Boracay sa dinarayong lugar sa bansa tuwing Semana Santa dahil sa mahabang bakasyon kahit na sa kabila ng pagbabawal ng “No Party” tuwing Biyernes Santo.

No comments:

Post a Comment