Thursday, March 31, 2016

Budol-Budol gang na bumiktima sa Money Changer sa Boracay, nahuli ng mga pulis

Posted March 31, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit to Datu Yap
Nahuli na ng mga pulis ang dalawang suspek na nambiktima sa isang Money Changer nitong nakaraang araw sa D’Mall Boracay station 2.

Sa panayam ng himpilang ito kay P01 Anthony Balderama, Desk Officer ng Malay PNP, nahuli umano nila ang dalawang suspek sa tulong ng mga security guard ng Caticlan Jetty Port kung saan sila na tiklo kaninang umaga.

Ayon kay Balderama, sinasabing mula sa Boracay ang dalawa at pupunta sanang siyudad ng Iloilo ng mga corner ng mga otoridad.

Kinilala naman ang dalawang suspek na sina Vicente Galecia ng Bohol, habang ang isa naman ay si Hector Paredes ng Barotac Viejo Iloilo.

Agad namang dinala ang dalawa sa Malay PNP at ikinulong kung saan nakuha din sa kanila ang ilan sa pera na kanilang ninakaw sa nasabing money changer sa Boracay.

Nabatid na nagpapalit umano ang isa sa mga suspek ng 1600 US Dollar sa money changer kung saan aabot ito sa P74, 000 nitong Martes ng gabi.

Nang mapalitan ay agad umanong tinago sa bulsa ng suspek ang P50, 000 sabay sabing ibabalik nalang nito ang pera at sa iba nalang magpapalit.

Dito naman pinasa ng suspek ang nakuhang pera sa paparating na kasama na tila nanlito sa nagbibilang na kahera ng money changer.

Ang nasabing insidente ay kitang-kita naman sa CCTV camera kung saan agad na namukhaan ang dalawang suspek.

Samantala nakatakda namang e-inquest sa BJMP ngayong hapon ang dalawang suspek kung saan nahaharap ang mga ito sa kasong Estafa.

No comments:

Post a Comment