Wednesday, April 12, 2017

Mga hakbang sa paggunita ng Semana Santa, nakalatag na

Posted April 12, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for semana santa
“Kooperasyon ng lahat at ang pagiging mapagmatyag”.

Ito ang naging pahayag ni LGU-Malay Executive Assistant IV Rowen Aguirre sa panayam ng himpilang ito bilang preparasyon sa papalapit na “Semana Santa”.

Bilang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Malay, ayon kay Aguirre naka-activate na ang kanilang Incident Management Team para sa Caticlan sa Mainland Malay at Boracay.

Ang tinutukoy ni Aguirre ay ang command post  sa Station 2 sa Boracay at ang bagong activated na Command Post sa Caticlan na magsisilbing coordination area ng mga miyembro ng Boracay PNP, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Philippine Army, Task Group Boracay at ang mga Force Multiplier.

Inaasahan din na sisikip ang trapiko lalo na sa araw na may malalaking events subalit wala pa umano silang natatanggap na request mula sa BLTMPC na temporaryong i-hold ang implementasyon ng color coding ng mga traysikel.

Aniya, sakaling kakailanganin ay gagawa sila ng adjustments sa susunod na mga araw para sa benepisyo ng mga pasahero at mga turistang mananakay.

Maliban dito, nakaplan –out na rin ang preparasyon sa oras na magkaroon ng kalamidad o insidente kung kaya’t inayos na umano nila ang mga hakbang lalo na sa seguridad sa kasagsagan ng Holy Week.
Nabatid na istrikto ring ipapatupad ang “No Party on Good Friday” na mahigpit na ipinagbabawal ang ano mang klaseng ingay sa araw ng Biyernes Santo hanggang sumapit ang alas-sais ng umaga ng Sabado de Gloria.

Samantala, hinihingi ni Aguirre ang kooperasyon ng lahat para sa isasagawang paggunita ng Semana Santa at ang pagiging mapagmatyag sa paligid na sakaling may mapansing hindi pangkaraniwan ay huwag mag-atubili na i-report sa mga kapulisan at mga security agencies.

Tuesday, April 11, 2017

Fiesta De Obreros ng Malay, pinaghahandaan na

Posted April 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Pinaghahandaan na ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang nalalapit na selebrasyon ng “13th Fiesta De Obreros” sa Mayo 1 taong kasalukuyan.

Ayon kay Malay Tourism Receptionist II at In-charge for Culture Arts and Special Event Rex Aguirre, wala naman umanong pinagkaiba sa dating kinagawian ang selebrasyon ng Fiesta De Obreros.

Ani Aguirre, mas pinaganda ito at inaasahan na maraming bisita ang mga darating sa kanilang schedule na gagawin bago ang naturang kumpetisyon.

Bagama’t may mga pagsubok man umanong dumating sa Municipal Tourism Office ay nagawan nila ito ng paraan para matuloy ang selebrasyong ito na lalahukan ng lahat ng 13 baranggay ng Malay.

Asahan at pakaabangan din umano ang Drum at Lyre competition ng mga estudyanteng lalahok dito.

Samantala, ang tema naman nila ngayong taon ay “Malipayon nga pagtrabaho it mga Obrero, Tagipusuon, Puno it Pasaeamat sa Ginuo”.

Ipinagdiriwang ang nasabing kapistahan kasabay ng Araw ng Manggagawa o Labor Day bilang pagbibigay pugay sa kanilang patron na si St. Joseph the Worker.


Kauna-unahang Advocacy Run ng KBP-Aklan Chapter, naging matagumpay

Posted April 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image may contain: 17 people, people smiling, people standing and shoesNgiti at saya ang nangibabaw sa mga mukha ng lumahok sa kauna-unahang Advocacy Run ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP-Aklan Chapter) sa Magsaysay Park sa bayan ng Kalibo nitong Linggo.

Bago nag-simula ang pagtakbo ay nagbigay ng mensahe ang KBP-Aklan Chapter Chairman na si Alan Palma Sr. at APPO OIC PSSupt. Lope Manlapaz kasama ang mahigit isang-daang pulis na sumama rin sa pagtakbo.

Samantala, hakot awards naman ang mga Boracaynon runners na lumahok sa naturang pagtakbo.

Nabatid na mahigit 400 ang lumahok kung saan ito ay kinabibilangan ng mga Media sa Aklan na miyembro ng KBP, mga pulis, teachers sa ibat-ibang paaralan sa lalawigan, Non Government Organization (NGO’S), Commercial Establishments at marami pang iba.