Monday, March 28, 2016

Inuman sa isang tindahan sa bayan ng Malay nitong Easter Sunday nauwi sa pananaksak

Posted March 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for pananaksakNauwi sa pananaksak ang inuman ng dalawang lalaki sa Brgy. Cubay, Norte, Malay, Aklan kahapon ng alas-5 ng hapon o Easter Sunday.

Nakilala ang biktimang si Ricarido Magbanua 40-anyos habang ang suspek ay kinilala namang si Sandy Dominggo 39-anyos na parehong residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na report ng Malay Municipal Police Station, nag-iinuman umano ang biktima at ang suspek kasama ang iba pa nilang kaibigan sa isang sari-sari store sa lugar ng magkaroon ng mainit na argumento sa pagitan ng dalawa.

Dahil dito agad na sinaksak ng suspek ang biktima gamit ang isang patalim o bolo na tumama sa kanyang kanang bahagi ng tiyan.

Sa ngayon ang suspek ay pansamantalang naka-kustudiya sa Malay PNP Station,  habang ang biktima ay mabilis na naisugod sa Baptist Hospital sa Caticlan Malay matapos ang naganap na insidente.

No comments:

Post a Comment