Wednesday, March 30, 2016

Paggunita ng Semana Santa sa Aklan, “generally peaceful” ayon sa APPO

Posted March 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Aklan Police Provincial Office (APPO)Maituturing umanong “generally peaceful” ang paggunita ng Semana Santa sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay PO1 Jane Cahilig Vega ng Aklan Police Provincial Office (APPO) Public Information Department, wala namang naitalang major incident sa lalawigan maliban sa vehicular incidents at arrested wanted person dahil narin sa kanilang “Oplan Lambat Sibat” monitoring.

Sinabi pa ni Vega na dahil sa “full force” na pagbantay at pag-deploy ng mga pulis sa mga lugar na pinupuntahan ng tao sa paggunita ng Semana Santa ay wala silang na-irekord na malalaking insidente.

Gayundin dito sa Boracay kung saan Theft at Physical injury lang din ang na-iparekord dito.

Samantala, nakabantay parin ang kanilang police personnel sa pagsugpo ng kriminalidad sa probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment