Wednesday, March 30, 2016

Boracay pasok sa World's top Eleven destinations 2016 base sa Cheapflights.com

Posted March 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muli na naman ngayong kinilala ang isla ng Boracay matapos itong mapabilang sa World's top Eleven destinations 2016.

Base sa datus na inilabas ng Cheapflights.com. nasa ika-labin isa ang Boracay kung saan nanguna naman rito ang Melbourne sa Australia, sinundan naman ng Newcastle England at pumangatlo ang Buenos Aires, Argentina.

Kabilang naman sa ika-Apat na puwesto ang Halifax, Nova Scotia, Cambodia; ika-lima ang Siem Reap; Pang-anim ang Chiang Mai, Thailand; sumunod ang The Floreda Keys, Pang-Walo ang Auckland, New Zealand; Pang-siyam ang Galway, Ireland; Pang-sampu naman ang Barcelona Spain at ang Boracay na nasa-ika Labin isang puwesto.

Nabatid na ang cheapflights.com. ay kumikilala sa mga magagandang lugar sa buong mundo na dinarayo ng maraming turista kung saan ang pikalayunin din nila ay mag-offer ng mababang presyo sa mga nais mag-travel sa ibat-ibang bansa sa mundo.

Ang Boracay ay patuloy na namamayagpag dahil sa angking ganda nito dahil sa malapulbos na buhangin at ibat-ibang island activity kasama ang masayang night life na nagpapasigla ng gabi ng isla.

No comments:

Post a Comment