Thursday, March 31, 2016

MS Seaborne Sojourn muling dadaong sa Boracay ngayong Martes

Posted March 31, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for ms seabourn sojournDadaong na naman sa ikalawang pagkakataon sa isla ng Boracay ang barkong MS Seaborne Sojourn ngayong darating na Martes Abril 8, 2016.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Administration, nasa apat na daan at limampu umano ang sakay nitong pasahero kabilang na ang tatlong daang crew.

Karamihan din umano sa mga pasahero nito ay mga European Tourist na mamamasyal sa isla ng Boracay.

Samantala, darating ang naturang barko bandang alas-9 ng umaga at ang departure time naman nito ay alas-6 ng gabi ng kapareho ring araw.

Ang MS Seaborne Sojourn ay nauna ng dumaong sa isla ng Boracay nitong nakaraang taon sakay din ang daan-daang pasahero.

No comments:

Post a Comment