Monday, March 28, 2016

DOT Boracay bibigyang pansin ang ibang tourist destination sa Aklan

Posted March 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for TOURIST DESTINATION SA AKLANHindi lang umano isla ng Boracay ang bibigyang pansin ngayon ng Department of Tourism (DOT) pagdating sa pag-promote ng turismo.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, nais umano nilang  hikayatin ang mga turista na bisitahan din ang ibat-ibang tourist destination sa mainland ng Aklan maliban sa sikat na Boracay.

Dahil dito, nakatakda umano siyang magpatawag ng meeting sa mga travel and tour agencies sa Boracay kasama ang LGU Malay, kung saan nais nitong isama sa mga packages na kanilang ino-offer ang magagandang pasyalan sa Aklan kagaya ng mga water falls.

Samantala, maliban sa mga turista nais din nilang hikayatin ang mga pasahero ng cruise ship na dumadaong sa Boracay na bisitahin din ang iba pang tourists destination sa Aklan.

No comments:

Post a Comment