Saturday, April 25, 2015

Comelec Malay nakatakdang dalhin ang pagparehistro ng biometrics sa Boracay

Posted April 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelec biometricsMismong ang Commission on Elections (Comelec) Malay ang tatawid sa isla ng Boracay para dalhin ang pagpaparehistro ng biometrics sa mga botante.

Ayon kay Malay COMELEC Officer II, Elma Cahilig, sila na mismo ang pupunta sa tatlong brgy. sa isla para hindi na mahirapan ang mga magpaparehistro na tumawid sa munisipyo ng Malay.

Sinabi nito na nagsimula ang ganitong proseso noong nakaraang eleksyon kung saan nakakapagtala sila ng maraming botante kung sila mismo ang dadayo sa mga lugar.

Nabatid na ngayong darating na Mayo 6-12 ay nakatakda silang pumunta sa Brgy. Yapak para sa nasabing biometrics registration na gaganapin naman sa Daycare Center habang ang Balabag at Manoc-manoc ay sa buwan naman ng Hunyo.

Samantala, sinabi pa ni Cahilig ang walang biometrics ay hindi makakaboto sa darating na halalan sa Mayo 9, 2016.

Traffic re-routing sa Boracay ikinasa para sa paghahanda sa APEC Summit sa Mayo

Posted April 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mag iisang-linggo ng ipinatutupad ng Malay Transportation Office ang traffic re-routing sa isla ng Boracay bilang paghahanda sa APEC Summit ngayong Mayo.

Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, ang programa umanong ito ay para maibsan ang traffic congestion lalo na sa area ng D’Mall kung saan dagsa ang maraming tao.

Samantala, tinukoy ni Oczon na ang lahat ng mga delivery at service vehicle na mula sa Cagban Port na diritsong brgy. Yapak ay kinakailangang dumaan sa AKY Tulubhan at ang mga sasakyan naman na mula Station 3 patungo rin ng station 1 ay lilikong Bloomfield at tatahakin ang lake town palabas ng Lying Inn.

Nabatid na ang ipinapatupad ngayong one way lane o re-routing sa Boracay ay kabilang sa paghahanda sa gaganapin APEC Ministerial meeting sa Boracay sa Mayo.

BFI, aminadong nag-aalala sa pag-operate ng Yellow Submarine sa Boracay

Posted April 25, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for Yellow Submarine in CebuAminado ang Boracay Foundation Incorporated (BFI) na nag-aalala sila sa pagkakaroon ng Yellow Submarine sa isla ng Boracay.

Ayon kay BFI President Jony Salme, wala pa silang alam tungkol sa operasyon ng Yellow Submarine at ang maaaring epekto nito sa mga korales sa Boracay.

Subalit ipinahayag nito na magsasagawa sila ng pagsusuri kung ito ba ay magkakaroon ng hindi magandang epekto sa mga korales o iba pang marine life sa isla.

Samantala, nabatid na ang BFI ay bahagi ng Coral REEFurbishment Project o ang proyekto para sa tinatawag na “Coral Restoration” para sa Boracay.

Ang Coral Reef Refurbishment Project ay bahagi ng proyekto ng Coastal Resource Management Program at sa ilalim rin ng Boracay Beach Management Program.

Friday, April 24, 2015

Pagpapaunlad ng RO-RO Ramp sa Caticlan, aprobado na sa SP Aklan

Posted April 24, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for Caticlan Jetty PortAprobado na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang pag- re-allign ng 20 percent development fund para sa pagpapaunlad at pag-sasaayos ng RO-RO Ramp sa Caticlan Jetty Port.

Sa ginanap na 14th SP Regular Session nitong Miyerkules, tinalakay ang nasabing urgent request ni Governor Florencio Miraflores, kung saan una namang iminungkahi ni SP Member Plaridel Morania na aprobahan at sinang-ayunan naman ng iba pang kasapi ng konseho.

Nabatid na sinabi mismo ni Jetty Port Administrator Special Operations Officer IV Niven Maquirang na kailangan na ang agarang pagsasaayos ng nasabing pantalan lalo na’t parami ng parami ang mga dumadaang turista o bisita doon.

Anya, may abala din kasi sa pagdaong ng mga barko sa lugar dahil sa kailangan munang antayin na makaalis ang isang barko bago makadaong ang susunod na barko.

Samantala, nagpapatuloy din ngayon ang isinasagawang reclamation project sa Cagban Port sa Manoc-Manoc Boracay.

9th Boracay International Dragon boat Festival umarangkada na

Posted April 24, 2015
Ni Jay-ar M.  Arante, YES FM Boracay

Image result for 9th Boracay International Dragon Boat Festival 2015Umarangkada na ang tatlong araw na 9th Boracay International Dragon boat Festival sa isla tampok ang labin 17 grupo mula sa ibang bansa at Pilipinas.

Pagalingan at pabilisan sa pagsagwan ang mga kalahok para tanghalin bilang kampeon ngayong taon na ginanap sa beach area ng Boracay Regency Station 2.

Ilang grupo naman ang sumali mula sa Boracay kabilang na rito ang sikat na Boracay Dragon All Stars na ilang beses na ring tinanghal na kampeon sa ibat-ibang lugar.

Kaninang umaga ay pinaglaban ng mga kalahok ang 500M championship at bukas naman ng umaga ang 250M championship.

Nabatid na ang Boracay International Dragon boat Festival ay taon-taong ginagawa sa isla sa pangunguna ng Boracay Island Paddlers Association (BIPA).

Samantala, nakatakda naman ang awarding bukas ng alas-7 ng gabi at susundan naman ito ng beach party na gaganapin rin sa naturang lugar.