Friday, April 01, 2016

Boarding house ng isang babae, niluoban ng magnanakaw

Posted April 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona,YES FM Boracay

Image result for nilooban ng magnanakawLaking gulat umano ng isang babae matapos itong pagnakawan habang natutulog sa kanyang boarding house sa Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Boracay.

Nakilala ang biktima na si Claire Aspera 24-anyos isang Lady Guard at residente ng Li-ong Roxas City habang temporaryong nakatira sa nasabing Brgy.

Ayon sa blotter report ng Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC), nagising nalang umano ito na nawawala na ang kanyang tatlong cellphone, I’d at cash na nagkakahalaga ng P4,800.

Nabatid sa report na nilagay umano ng biktima sa kanyang bag ang pera at I’d nito at saka itinabi sa gilid ng kanyang kama habang ang cellphone naman ay naka-charge sa itaas ng lamesa.

Subalit, sa paghahanap naman ng biktima ay dito niya umano nadiskubrihan na ang pintuan ng kanyang kusina ay naka-bukas na kung saan sinasabing dito dumaan ang hindi nakilalang magnanakaw.

No comments:

Post a Comment