Tuesday, March 29, 2016

Security guard ng isang bar, ini-reklamo ng panununtok



Posted March 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

Maga pa ang ilong ng isang babae na nagsumbong sa Boracay PNP matapos umano siyang  suntukin ng isang security guard ng isang bar sa Sitio Bantud Brgy. Manoc-manoc, Boracay kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Sheryl Velasco 28-anyos residente ng Brgy. Bagacay, Ibajay, Aklan at temporaryong nakatira sa Brgy. Balabag, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang kaibigan nito sa loob ng bar ng biglang nagkaroon ng mainitang diskusyon sa dalawa kung saan binuhusan ito ng alak ng kanyang kaibigan.

Dahil dito, inawat ng security guard ang dalawa ngunit agad naman nitong sinuntok ang nasabing biktima na tumama sa ilong nito na nagresulta ng pagkasugat.

Samantala, agad namang nagka-ayos ang dalawang panig matapos ang nangyaring insidente.

No comments:

Post a Comment