Monday, April 04, 2016

Tricycle driver sa Boracay, huli sa pagbibinta ng illegal na droga

Posted April 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Huli sa pagbibinta ng illegal na droga ang isang tricycle driver sa Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Pasado 1:00 ng madaling araw kanina ng mahuli ang suspek na si Rofel Gomez alyas “ bornok” 36- anyos at residente ng Brgy. Bulwang, Numancia,  Aklan at temporaryong nakatira sa Boracay.

Ang suspek ay nahuli sa pinagsamang pwersa ng Boracay PNP at Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group o (PAIDSOTG), kung saan nakuha mula sa kanya ang tatlong suspected shabu marked money na P1, 540 at isang cellphone na naglalaman ng illegal transaction.

Sa ngayon si Gomez ay pansamantalang nakakulong sa Boracay PNP kung saan nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment