Thursday, March 31, 2016

Bayan ng Malay sumailalim na sa Regional evaluation ng DILG para sa SGLG

Posted March 31, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Photo Credit to Sir Frensy Andrade
Isinailalim na nitong Martes ang bayan ng Malay sa Regional evaluation ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2016.

Mismong mga taga Regional Office ang nagtungo sa nasabing bayan para sa nasabing evaluation kung saan lahat ng mga department heads magmula sa Department of Education at Philippine National Police ay sumailalim rin para rito.

Kaugnay nito tiniyak naman ng PNP Malay na magiging isang daan umano ang kanilang grado pagdating sa peace and order na isa sa mga kwalipikasyon para makakuha ng award.

Nabatid na layunin ng nasabing evaluation na masukat at malaman ang kalidad sa paninirbersyo ng isang LGU sa tao at kung paano nila napapalakad ng maayos ang kanilang bayan sa pamamagitan ng kanilang mga proyekto.

Matatandaan, na nakakuha ng tatlong parangal ang LGU Malay nitong nakaraang taon kung saan nakatanggap din sila ng mahigit sa tatlong milyong peso na siya ring ginamit sa pagpapatayo ng proyektong light house sa Sambiray.

No comments:

Post a Comment