Friday, April 01, 2016

Kalibo traffic lights sumailalim na sa testing; Rotonda Sarok hindi parin tinatanggal

Posted April 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sumailalim na nitong nakaraang araw sa testing ang bagong install na Kalibo Traffic Lights sa crossing Banga-New Washington sa bayan ng Kalibo.

Ngunit sa kabila nito, hindi parin tinatanggal ang Rotonda Sarok sa gitna ng kalsada na sinasabing tatanggalin sa sandaling ma-install ang nasabing traffic lights.

Nabatid na ito ang kauna-unahang Traffic Lights sa probinsya ng Aklan dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga sasakyan at pag-asenso ng lalawigan.

Samantala, hati naman ang reaksyon ng publiko sa pagpapatayo nito kung saan sinasabi ng iba na mas maganda pa umano ang roundabout dahil sa hindi na kailangan ang intayan ngunit pabor naman rito ang iba dahil madami umanong mga driver ang hindi nagbibigayan ng linya partikular sa crossing kung saan dumadaan ang halos karamihan sa mga sasakyan.

No comments:

Post a Comment