Monday, March 28, 2016

Campaign materials ng mga local candidates, nagkalat sa mga ipinagbabawal na lugar

Posted March 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for campaign materials nagkalatMatapos ang Semana Santa ay agad ng nagsulputan ang mga campaign materials ng mga local candidates sa mga ipinagbabawal na lugar ng Comelec.

Dahil dito muling pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) Aklan na maglagay lamang ng mga nasabing materials sa mga itinalagang common posting areas.

Napag-alaman kasi na sa pagsisimumula ng kampanya ng mga lokal na kandidato nitong Sabado ay makikita na nagkalat ang mga materyales kagaya ng mga naglalakihang tarpaulin at stickers ng pulitiko.

Maliban dito, makikita din ang mga larawan ng mga pulitiko na nakakabit sa punong kahoy kung saan mahigpit itong ipinagbabawal ng DENR.

Samantala, pinayuhan naman ng Comelec ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga pasaway na naglalagay ng mga poster sa hindi designated na lugar.

Ang mga poster ay kailangan lamang ilagay sa mga pampublikong lugar kagay ng Plaza o sa mga kabahayaan kung may pahintulot mula sa may-ari ng tahanan.

No comments:

Post a Comment