Thursday, March 31, 2016

British National, ini-reklamo ng pang-iiskandalo sa isang restaurant

Posted March 31, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ini-reklamo sa pulis ang isang turistang British national matapos itong mag-iskandalo sa loob ng isang restaurant sa Station 2 Brgy. Balabag, Boracay kagabi.

Ayon sa blotter report sa Boracay PNP, ini-reklamo ni Ralph Roque 25-anyos residente ng Cainta Rizal at isang turista ang suspek na si James Kelly 35-anyos.

Sumbong nito sa mga pulis, basta nalang umanong nag-iskandalo sa lugar ang suspek at nang-hahamon pa ng away kung saan na nagresulta naman ito takot sa mga customer at tao sa lugar.

Samantala, nagtamo naman ng pasa sa kanyang mukha ang suspek matapos itong suntukin ng hindi nakilalang lalaki para tumigil sa ginagawang pag-iiskandalo.

No comments:

Post a Comment