Friday, April 01, 2016

Lalaking wanted sa kasong pananakit sa Boracay, arestado sa Masbate

Posted April 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for wantedKulong na ngayon sa Boracay PNP ang isang lalaking wanted sa kasong RA No. 9262 o Violence Against Women and their Children matapos itong mahuli ng mga pulis sa Masbate.

Sa report ng Boracay PNP, itinurn-over umano kagabi ng Masbate PNP ang suspek na si Rowen Salvacion 41-anyos residente ng Poblacion,Tibiao Antique at temporaryong nakatira sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabag, Boracay.

Nabatid na nahaharap sa dalawang parehong kaso ang suspek kung saan may inilaang piyansa rito na P 12, 000 at ang isa naman ay P 24. 000.

Samantala ang kaso ay nilagdaan naman ni presiding judge Pienvenido Barrios Jr ng RTC Branch 3 Kalibo at may petsang May 27, 2015 at January 28, 2016.

No comments:

Post a Comment