YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 23, 2018

Police Clearance, pansamantalang ipo-proseso sa Malay PNP

Posted January 23, 2018
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image result for police clearance“Pansamantala munang i-proseso ang Police Clearance sa Bayan ng Malay.”

Ito ang pahayag ni SPO3 Hartsel Prado ng Malay Police Station bilang tugon sa mga nagtatanong kung saan ang issuance ng police clearance lalo na at pangunahing requirement ito ng mga empleyado sa taunang renewal.

Dagdag pa ni SPO3 Prado, nito pang Disyembre umano nag-umpisang magsulputan ang mga nagpo-proseso ng kani-knailang police clearance sa mainland Malay.

Bukas araw ng Miyerkules ika-24 ng buwang ito, ayon kay Prado ay mag-iisyu na rin ng Police Clearance sa Boracay Action Center subalit limitado lamang ang mabibigyan ng slot.

Paalala pa ni Prado sa mga magpo-proseso ng kanilang clearance na kakailanganin ang Brgy.Clearance, Bio-Data, 2x2 picture at resibo na binayaran sa LGU.

Samantala, sa ngayon ay dagsa pa rin ang mga nagpo-proseso ng kanilang police clearance at pinapaalala na rin na kumpletuhin ang mga requirements bago pumunta sa Police Station ng Malay nang sa gayon ay hindi na maabala pa.

Kung sakaling may development sa Police Clearance service sa Boracay ay agad naman itong ipapaalam sa publiko.