Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nabangga kasi ito sa isang puno ng kahoy sa highway ng Man-up, Altavas
nang agawin umano ng isang pasahero ang manubela ng nasabing bus habang
minamaneho ng drayber.
Kumandong umano ang nasabing pasahero sa nagmamanehong drayber, kung
kaya’t nabigo ang huli na mabawi ang control sa manubela, dahilan upang
bumangga sila sa kahoy.
Nakilala sa police report ng Altavas PNP ang pasaherong suspek na si
Joseph Dela Cruz ng Santolan Crame at napag-alamang may problema sa pag-iisip.
Hinabol umano ng ilan residente at mga nakasaksi ang suspek ngunit
mabilis umano itong nakatakas.
Samantala, isang pasahero naman ang nasugatan matapos ang insidente.
Nabatid na byaheng Cubao-Iloilo via Batangas, Calapan, Roxas at
Caticlan ang Dimple Star Transport at papunta san ang Iloilo nang mangyari ang
insidente.