Tuesday, March 29, 2016

2016 annual Budget ng LGU Malay inaasahang maaaprobahan ngayong araw

Posted March 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for 2016 annual budgetInaasahang maaaprobahan na ngayong araw Marso 29 ang 2016 annual budget ng LGU Malay sa isasagawang SB Session.

Ito ang kinumpirma ng SB Malay sa pangunguna ni SB Secretary Concordia Alcantara matapos ang mahabang deliberasyon para rito.

Nabatid kasi na hindi na kailangang paabutin pa sa susunod na buwan ang pag-aproba o deliberasyon nito dahil sa nagsimula na ang local election period ng mga kandidato na tatakbo sa darating na halalan.

Maliban dito nakatakda ring pag-usapan ngayong Session ang mga nakabinbing usapin dahil sa nagkaroon ng Holyweek ang buong Konseho nitong Semana Santa.

No comments:

Post a Comment