Posted October 14, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang nag-rereklamong si
Adinail Lima Baiey, 39-anyos ng nasabing lugar.
Nabatid sa report na nilagay ng biktima ang kanyang bag
sa gilid ng inu-upuan nito kung saan naki-usap din ito sa isang naka-duty na
guard ng hotel na bantayan siya at ang kanyang bag habang siya ay matutulog.
Nabatid na sa pagising ng biktima ay nawawala na ang
kanyang bag.
Napag-alaman na na naglalaman ang naturang bag ng isang
iPhone6, diamond ring, guard ring, copy passport, credit card, cash na P
5,000.00 at 20 US dollar at iilan pang mga importanteng bagay ng biktima.
Samantala, hinahanap sa ngayon ng mga taga Boracay PNP ang
hindi pa nakikilalang suspek.