Monday, March 28, 2016

Mainroad construction ng BIWC sa Manoc-manoc nasa 80 %

Posted March 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

Image result for road constructionNasa 80% na umano ang natatapos sa ginagawang construction ng Boracay Water Company o (BIWC) sa kalsada ng Brgy. Manoc-manoc sa Boracay.

Ayon kay BIWC Customer Service Officer Acs Aldaba, on-going parin ang kanilang construction ng kalsada sa nasabing Brgy. kung saan kalahati ng kalsada ang inaayos.

Nabatid na nagkaroon ng paghuhukay ang BIWC sa mismong kalsada para maglagay ng manhole na pagdadaluyan ng tubig papunta sa kanilang planta.

Samantala, ang susunod naman umano nilang proyekto ay ang pag-aayos ng Sewer line sa Sitio Malabunot ngayong buwan ng Hulyo kung saan sinabi din nito na ang buong construction sa lahat ng area ng Manoc-manoc lalo na sa mainroad ay target nilang matapos sa Buwan ng Disyembre ngayong taon.

No comments:

Post a Comment