Posted March 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tatlo pang Negosyo Center sa probinsya ng Aklan ang
nakatakdang ipatayo ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong taong
2016.
Ayon kay DTI-Aklan OIC Provincial Director Ma. Carmen
Iturralde, ang target date launching umano nito ay bago magtapos ang buwan ng
Mayo.
Magiging apat na rin umano ang Negosyo Centers sa
probinsya kung saan ang kauna-unahan ay naitayo mismo sa loob ng (DTI)
Provincial Office na nagbukas nitong nakaraang taon.
Samantala itatayo naman ang tatlong Negosyo Center sa mga
bayan ng Altavas, Ibajay at bayan ng Malay.
Nabatid na ang Negosyo Center ay isang one-stop shop kung
saan ang layunin nito ay makapagbigay ng serbisyo sa mga negosyante sa
pamamagitan ng pag-proseso ng kanilang requirements para sa pagpapatayo ng
negosyo.
No comments:
Post a Comment