YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 31, 2016

LGU Kalibo at Aklan Provincial Government, sumailalim sa Earthquake Drill

Posted March 31, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for earthquake drillSumailalim ang Local Government Unit (LGU) Kalibo at Aklan Provincial Government sa Earthquake drill sa Provincial Capitol Building ngayong araw.

Ayon kay Local Disaster Risk Reduction Management Council Officer 3 o (LDRRMCO) Head Terence June Toriano, yearly umano nila ginagawa ang simultaneous earthquake drill. Ilan sa mga ginawang drill ay ang “ Duck ,Cover and Hold” alinsunod sa nais mangyari ng Phivolcs.

Kaugnay nito, ang naturang drill ay inorganisa ni Regional Director of Civil Defense Rosario Cabrera at sa pamamagitan din ng dalawang evaluator ng PDRRMO- Capiz, Shella Mae Secular ng Region 1V at Esperidion Pelaes kung saan inalalayan nila ang dalawang lokal na sektor na nagsagawa ng drill.

Dagdag pa ni Toriano na ang layunin naman ng nasabing drill ay para maging  handa ang lahat sa anumang kalamidad na maaring mangyari sa ating bayan at bilang preparasyon narin sakaling gumalaw ang West Panay Fault at West Tablas Fault.

No comments:

Post a Comment