YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 16, 2017

Drug surenderees ng Malay, sumailalaim sa Spiritual Program

.Posted August 16, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Ngayong araw ay sumailalim na ang 235 na bilang ng mga drug surrenderee sa Spiritual Program ng Community Base Rehab Program (CBRP) ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC).

Ipinulong ang mga ito sa Balusbos Elementary School sa Malay kaninang umaga kung saan itong programa ay magtatagal ng anim na buwan maliban pa sa Physical, Mental, at Health Recovery na bahagi ng rehabilitasyon para sa tuluyang pagbabago nila.

Kung matatandaan itong “Reporma Kasimanwa” – The Community Base Rehabilitation Program ay pinangunahan ni Malay Mayor Ceciron Cawaling, Malay PNP Chief PSInps. Mark Evan Salvo, Chief Intelligence & Operation Section Dexter Brigido ng Boracay PNP, Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes, Municipal Health Officer Dr. Ma. Nay Mucho at Magdalina Prado ng MSWDO.

Ang programa ito ay sa ilalim ng LGU Malay at Philippine National Police (PNP).

Tuesday, August 15, 2017

Kampanya laban sa human trafficking, pinaigting ng MSWDO

Posted August 15, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 20 people, people smiling, people standing, shoes and outdoor
Photo Credit: Boracay PNP
Pinalakas ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang kanilang kampanya kontra Human Trafficking sa isla ng Boracay.

Ayon kay Madel Dee Tayco-Schoenenberger ng Malay Municipal Social Welfare Development Office o (MSWDO), patuloy umano ang kanilang ginagawang information dissemination patungkol sa Human Trafficking partikular sa mga kabataan.

Sa katunayan aniya, nitong Sabado ay nagkaroon sila ng orientation sa mga bata sa Ati Village kung saan tinalakay nila dito ang R.A. 7610 o "Special Protection Against Child Abuse, Exploitation, Discrimination and Other Purposes" and Anti-Bullying.

Dagdag pa ni Schoenenberger, sa paraang ito ay maipaparating nila ang kahalagahan nito at kung paano ito maiiwasan.

Target din umano nila na walang maitalang kaso ng Human Trafficking ang isla dahil ngayong taon umano ay wala silang nai-rekord nito kung saan lahat ng eskwelahan sa bayan ng Malay ay nakatakda nilang pasukin para  sa kampanyang ito..

Samantala,  kasama ng MSWDO ang ECPAT Youth and Children Advocates (EYCA) katuwang ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) at Kabalikat Civicom-Boracay Chapter.

Kaugnay nito, ngayong Linggo ay ipupulong naman nila ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o (4P’s) para mabigyan ng kaukulang impormasyon tungkol sa Human Trafficking.

Monday, August 14, 2017

DENR, nagbigay ng pondo para sa MRF-Manocmanoc

Posted August 14, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Isang napaka-gandang balita ngayon ang ipina-abot ni CENRO Boracay OIC Jonne Adaniel sa Boracay Good News nitong Sabado na may inilaang pondo umano ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Materials Recovery Facilities o (MRF) ng ManocManoc.

Ani Adaniel, nasa P 8.5 million umano itong pondo na ibibigay ng (DENR) para sa pagbili ng machine na manggaling sa bansang Japan at ilalagay sa Centralize MRF.

Kung maisakatuparan umano itong proyekto ay malaking tulong ito sa Lokal na Pamahalaan ng Malay para sa pag-resolba ng basura na nitong mga nakalipas na buwan ay nagdulot problema sa isla.

Ayon naman kay LGU Malay Executive Assistant II, dahil sa nahakot na ang mga basura sa MRF lalo na ang residual waste ay ongoing ang kanilang koleksyon sa araw-araw na hinahakot na basura na derecho umanong itanatawid sa mainland.

Dagdag pa ni Maming, naka-focus sila ngayon sa rehabilitasyon ng Sanitary Landfill sa Mainland Malay at kung sakali man na may suhestyon na maibibigay ang publiko ay bukas sila lalo na kung sa ikabubuti ng lahat.

Kaugnay nito, plano ngayong maglunsad ng Information Education Program o (IEC) ang Solid Waste Management para maibsan ang volume ng basura na umaabot na sa mahigit 50 trucks kada araw lalo na at nais nilang pagtibayin ang “No Plastic Ordinance”.

Dalawang kaso ng pagnanakaw naitala sa Boracay, isang suspek arestado

Posted August 14, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Dalawang magkakahiwalay na kaso ng pagnanakaw ang naitala matapos nagparekord ang turistang magkasintahang Malaysian at isang Chinese national sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Ayon sa blotter report, unang naitala ang reklamo ng isang lalaking Chinese  na si He Bin matapos umano itong ninakawan sa loob ng kanyang kwartong inuupahan sa Sitio Angol, Brgy. ManocManoc, Boracay.

Kwento ng biktima, nagising nalang umano itong nawawala na ang kanyang cellphone, 200 US dollar, P 4, 000 at iba pang kagamitan sa loob ng kanyang kwarto.

Dagdag pa ng biktima nagpamasahe umano ito bago nangyari ang insedente at nang natapos na ito ay nakalimutan niyang i-lock ang pinto at nakatulog.

Dahil dito, hindi makapaniwala si Bin na pagnanakawan siya sa loob ng kanyang kwarto kung saan sinubukan niya pa sana itong hanapin pero bigo siyang makita ang kanyang mga kagamitan at pera.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pinangyarihan ng insedente.

Samantala, isa namang 28-anyos na lalaki ang kulong sa lock-up-cell ng BTAC matapos umano itong mahuling kinuha ang bag ng babaeng Malaysian National.

Kinilala ang magkasintahang biktima na sina Tan Pin Yin, 27-anyos at Liew Sim Yee, 21-anyos.

Naaresto ang suspek na si Romier Valerio y John ng Kalibo ng Boracay PNP sa pakikipagtulungan ng Malay Auxiliary Police (MAP) ng maaktuhan itong sisnisikwat ang bag ni Yee.

Dahil sa pangyayari, humingi agad ng tulong itong MAP sa kanyang dalawang kasamahan para mahuli itong si Valerio kung saan ng maabot nila ito, narecover nila sa biktima ang kinuha nitong bag ni Yee.

Naglalaman ang naturang bag ng dalawang cellphone, passport at cash na mahigit P 12, 000.

Si Valerio ay dinala sa himpilan ng Boracay PNP at pending for proper disposition sa kanyang ginawang krimen.

Friday, August 11, 2017

Beach Guard at Life Guard sa Boracay, pinulong ni Mayor Cawaling

Posted August 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Photo Credit: MDRRMC MALAY
Pinulong ni Malay Mayor Ceciron Cawaling mga miyembro ng Boracay Beach Guard at Life Guard kahapon.

Ang buwanag pulong ay inorganisa ni Malay Municipal Disaster Risk Reduction Management OIC Catherine Fuljencio para magbigay paalala at ma-improve pa nila ang kanilang tungkulin sa pagbantay ng isla ng Boracay lalo na sa kahabaan ng long beach.

Nabatid na mayroon ngayong tatlumpong Beach Guard at walong Life Guard ang LGU Malay na nagtutulungang, nag-iikot at nagbabantay sa isla.

Sa isang mensahe, nagpasalamat si Cawaling dahil kaunti lang umano ang naitalang drowning insedent nitong mga nakalipas na buwan.

Dahil dito, pina-alalahan nito na paigtingin pa ang kanilang ibinibigay na serbesyo sa publiko.

Samantala, laking pasasalamat naman ni Fulgencio sa administrasyon dahil tinulungan umano ito sa kanyang mga ginagawang proyekto.

Malaynon na Philippine Marines na nasawi sa Marawi, tumanggap ng pinansyal na tulong mula LGU Malay

Posted August 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting, table and indoorPersonal na tinanggap ni Bertiny Tamboon ang pinansyal na tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Malay kahapon sa 26 th Regular Session ng SB-Malay.

Si Bertiny ay Ama ng napatay na sniper ng Philippine Marines na si Sgt. Bryan Tamboon na bahagi ng tropa ng military na nakipagbakbakan sa Marawi City nitong buwan ng Hunyo.

Sa pamamagitan ng isang resolusyon, naglaan ang Sangguniang Bayan ng Malay ng tulong na P 25, 000 para sa pamilya ng nasawing sundalo.

Ito umanong tulong ay bilang pagbigay pugay sa kanyang katapangan na maipagtanggol ang mga residenteng naiipit sa sigalot na dulot ng Maute Group sa Marawi City.

Image may contain: 1 person, sitting, table and indoorNapag-alaman na si Sgt. Tamboon ay dating estudyante ng Malay National High School at nakatira sa Sitio Minoro Brgy. Caticlan, Malay, Aklan.

Ang mga magulang naman nito ay naninirahan ngayon sa Mindoro habang ang naiwan nilang bahay dito sa Caticlan ay tinutuluyan ng kanyang kapatid na isang Security Guard.

Nakapag-asawa si Tamboon sa Zamboanga City at may dalawang anak na babae at lalaki.

Matatandaan na nabaril at nasawi si Sgt. Tamboon sa pamamagitan ng tama sa ulo dulot ng sniper ng kalabang Maute Group.

Pag-bulldoze ng bundok sa Yapak, Clearing Operation lang – Engr. Perania

Posted August 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 3 people, people sitting and indoor“Clearing Operation” lang umano ang ginawang pag-bulldoze sa bundok sa Barangay Yapak.

Ito ang sinabi ng representante ng Mabuhay Maritime Express, Inc. na si Engr. Leo Perania matapos itong ipatawag ng Sangguniang Bayan ng Malay para ipaliwanag ang kanilang panig hinggil sa nabanggit na isyu.

Depensa ni Perania, ang clearing operation umano ay bilang paghahanda sa gagawing development doon.

Bagamat may endorsement na ito mula sa Barangay, paglilinaw ni Yapak Punong Barangay Hector Casidsid nagalaw na umano ang bundok bago pa humingi sa kanila ng nasabing dokumento.

Ayon kay Perania, wala pa umanong designated na plano sa area kaya umano nag-apply muna sila ng locational clearance  ang gagawing konstruksyon o development.

Samantala, dahil sa humaharang ang environmental group na FFF o Friend of Flying Foxes sa gagawing development doon, suhestyon ni Vice Mayor Abram Sualog na kailangan umanong gumawa ng petition for development ang grupo at maki-pagcoordinate sa DENR para pag-aralan ang pagbigay ng ECC.

Sa ngayon, pag-aaaralan muna ito ngayon ng Sangguniang Bayan bago ang pag-endorso nitong proyekto kung saan sinabihan ni Vice Mayor Sualog si Perania na kung may mga plano ay sundin ang lahat ng requirements ng sa gayon ay hindi sila magka-problema at para hindi madadamay ang Lokal na Pamahalaan ng Malay.

Thursday, August 10, 2017

SB Malay pinag-paliwanag ang isang resort kung bakit nag-ooperate kahit walang permit

Posted August 10, 2017
Ni Inna Carol l. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Muling ipinatawag sa 26th Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Malay ang representante ng isang resort sa Sitio Diniwid Boracay para muling imbestigahan kung bakit patuloy ang kanilang operasyon sa kabila ng kawalan ng business permit.

Sa pagtatanong ni SB Member Floribar Bautista kay Haydee Miguel na treasurer ng resort sa update ng kanilang permit, mariing nitong sinabi na taunang nag-rerenew ang kanilang resort na ipinagkakatiwala umano nila sa kanilang secretary na si Christopher Sacapaño.
Si Sacapaño umano ang nagpa-process ng kanilang business permits na ayon pa kay Miguel ay nakapagbigay na sila ng P 300,000 para sa naturang renewal.

Sa paliwanag pa ni Miguel, ipinangalan umano sa kolektor ng licensing department ng LGU ang cheke na ibinayad nila.

Maliban dito, nabatid rin na humingi pa umano si Sacapaño ng halagang P150, 000 para sa pagsasayos naman ng permit sa DENR.

Sa rebelasyong ito, laking gulat ng mga SB kung bakit hinayaan ng resort na ito na gawin sa kanila ito ni Sacapaño kung saan sumagot si Miguel na siya kase ang pinagkakatiwalaan sa pag-proseso ng negosyo.

Sa kabila ng mga paliwanag, nang hinanapan ni SB Bautista kung nakapaskil na ba ang mga permit na sinasabi nito, subalit sinagot nito na wala sa kanila.

Samantala, humihingi naman ng kopya si Bautista sa kanila ng mga papeles para ma-imbestigahan ang umano’y maanomalyang isyu.

Kaugnay nito, muling tatalakayin sa sesyon itong usapin upang maliwanagan ang lahat hinggil sa naturang isyu.

Tuesday, August 08, 2017

Police Operation laban sa Illegal-Gambling, inumpisahan na ng APPO

Posted August 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for Illegal-GamblingMatapos ang ibinabang utos ni PNP Chief Ronald “ Bato” Dela Rosa na sugpuin ang Illegal Gambling sa Iloilo, si Police Regional Office 6 Director Cesar Hawthorne Binag naman ngayon ay nagbigay ng kautusan sa mga probinsya upang sugpuin ang iligal na sugal.
                                
Sa naging panayam kay Chief Inspector Reynante Jomocan ng Aklan Police Community Relations, lahat ng klaseng sugal na labag sa batas ay pag-huhulihin ng kanilang hanay.

Ani Jomocan, may direktiba nang inilatag ang mga Chief of Police sa mga Barangay kung ano ang kanilang mga dapat gawin sa mga makikitang sumusugal kung saan sila na mismo ang inaatasan na humuli at i-rereport sa otoridad.

Samantala, kung operasyon ng Small Town Lottery o (STL) ang pag-uusapan sila umano ay hindi masisita kung mayroon silang kumpletong permit na ipe-presenta sa pag-ooperate.

Mababatid nitong mga nakaraang araw ay may dinakip  na apat na kalalakihang nag-lalaro ng “Pusoy Bahig” sa terminal ng Dumaguit-New Washington sa bayan ng Kalibo at ang isa naman ay 40-anyos na lalaki sa Brgy. Tul-ang, Ibajay matapos itong mahuling nagpapataya ng EZ2 na hindi otorisado ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Binigyan ng 15 araw na ultimatum ni PNP chief Police Director General Ronald Dela Rosa ang mga pulis sa lalawigan ng Iloilo at sa buong rehiyon para sugpuin ang lumalaganap na illegal- gambling.

PDEU Chief Andrade, nanawagan sa mga gumagamit ng iligal na droga na sumuko na

Posted Ausut 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for say no to drugs“Sa mga hindi pa nag-surrender, mag-surrender na kayo”

Ito ang sinabi ni Aklan Provincial Drug Enforcement Unit Police Chief Inspector Frensy Andrade sa programang Boracay Good News nitong Sabado.

Sa panayam kay Andrade, mariing hinikayat nito ang gumagamit parin ng iligal na droga na mag-surrender na sa mga pulis upang hindi na sila humantong pa sa pagka-aresto.

Aniya, patuloy ang ginagawa nilang monitoring sa mga lugar na talamak parin ang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala, pina-alalahanan naman nito ang mga dating na-tokhang subalit bumalik sa dating-gawi na sumuko na para hindi na makaloboso pa.

Sa huli daw nilang monitoring ay may mga aktibo pa na nagbebenta sa isla ng Boracay lalo yaong mga nasa watchlist.

Sambit pa nito, wala umanong pinipili ang batas kung sinuman ang lumabag dito kahit pa umano ang mga nagsasabi na “untouchables” ay walang kawala at paparusahan.

Monday, August 07, 2017

Kitchen Helper sa Boracay, tiklo sa buy-bust

Posted August 7, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for buybust
Tiklo ang isang kitchen helper sa isa namang buy-bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa Barangay Balabag kahapon.

Ang suspek ay si Abdul Azis Sarip y Venus aka “Asis”, residente ng San Jose Romblon at temporaryong nakatira sa nabanggit na lugar.

Naaresto si Sarip sa pangunguna ng Malay PNP, Boracay PNP, 605 th Maritime Police, 12 th IB TIU at MIG6 sa pakikipagtulungan parin ng PDEA Aklan.

 Nabilhan ang suspek ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu ng nagpakilalang poseur buyer kapalit ng P 1, 200 na buy-bust marked money habang sa isinagawa pang body search nasamsam pa dito ang tatlo pang suspected shabu.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bayan ng Malay, makiki-isa sa 50th Anniversary ng Asean

Posted August 7, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Bilang isa sa mga naging host ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN), makiki-isa ngayong ang bayan ng Malay sa selebrasyon ng paggunita ng ika-50 anibersaryo sa gagawing ASEAN Landmark Lighting sa isla ng Boracay.

Ayon kay Malay Tourism Receptionist II at In-charge for Culture Arts and Special Event Rex Aguirre, masasaksihan ang gagawing ASEAN Landmark Lighting bukas Agosto 8 na dadaluhan ng ilang bisita mula  ASEAN at Department of Foreign Affairs.

Aasahan din ang pagdalo nina Congressman Carlito Marquez, Governor Joeben Miraflores, Vice Governor Reynaldo “Boy” Quimpo, mga Mayor sa Aklan, at representante mula LGU-Malay.

Ang ASEAN Landmark Lighting ay sabay na gagawin sa ilang syudad at munisipalidad sa buong bansa.

Nabatid na ang Iloilo at Boracay lang sa Region-6 ang isa sa mga naging host ng ASEAN.

Saturday, August 05, 2017

Dating konsehal sa bayan ng Malay, arestado sa drug buy-bust operation

Posted August 5, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST

Image result for drugsKulong ngayon sa Kalibo Police Station ang dating konsehal at ngayo’y empleyado ng LGU-Malay na si Leny Sacapaño.

Sa naging panayam kay Aklan Provincial Drug Enforcement Unit Police Chief Inspector Frensy Andrade, naaresto ang suspek malapit sa kanyang bahay sa Balabag sa lugar kung saan nakuha sa kanyang posisyon ang limang sachet ng suspected shabu at tinatayang nasa P 100,000 na cash.

Ayon kay Andrade, bagamat nahirapan silang pusasan ito ay wala naman umanong komosyon na nangyari sa paghuli dito.

Aniya, pasok sa High Value Target si Sacapaño dahil nagtatrabaho ito sa gobyerno.

Napag-alaman, noong nakaraang taon ay drug surrenderee na ito ng Malay PNP.

Ikinasa ang drug operation ng Aklan Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Malay PNP at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 Article II Republic Act 9165 o dangerous drugs act ang suspek.

Thursday, August 03, 2017

Rehabilitasyon ng mga Drug Surrenderee sa Malay, sisimulan na

Posted August 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Sisimulan na ngayong unang linggo ng Agosto ang anim na buwang Community Base Rehab Program (CBRP) ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) sa ilalim ng LGU Malay at Philippine National Police (PNP).

No automatic alt text available.
Kahapon sa isinagawang kick-off ng programang ito sa Coverd Court ng Malay, pinulong ang nasa  235 na bilang ng mga drug surrenderee kung ano ang mga inilaang programa para hindi na nila muling balikan ang paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Ipinaintindi rin sa mga surenderees kung ano ang mga gagawin nila sa rehab program na ito kabilang na ang kanilang pagdadaanan na Physical, Mental, Spiritual at Health Recovery ng sa gayon sa paraang ito ay mabago sila at makabalik sa kanilang mga trabaho at normal na buhay.

Dahil sa seryoso ang LGU-Malay sa programang ito,  naglaan ng mahigit dalawang milyon ang Mayor ng Malay para sa Community Base Rehab Program (CBRP).

Samantala, pina-alalahan ni Mayor Cawaling ang mga ito na kung magbabago ay ituloy-tuloy na dahil aniya mahirap ang ma-tokhang.

Kaugnay nito, oras na matapos nila ang rehabilitasyon ay magkakaroon naman ng graduation ang mga surrenderee bilang patunay na kanilang natapos itong programa.

Maliban kay Mayor Cawaling, ang “Reporma Kasimanwa” – The Community Base Rehabilitation Program ay dinaluhan din nina Malay PNP Chief PSInps. Mark Evan Salvo, Chief Intelligence & Operation Section Dexter Brigido ng Boracay PNP, Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes, Municipal Health  Officer Dr. Ma. Nay Mucho at Magdalina Prado ng MSWDO.


Lubak na kalsada sa Caticlan, Malay, nakatakda nang ayusin

Posted August 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, tree, sky and outdoorNagbigay na ng sulat si DPWH Aklan District Engr. Noel Fuentebella sa Lokal na Pamahalaan ng Malay para sa pagsasa-ayos ng lubak na kalsada partikular sa Parking Area ng Tolosa at Coca Cola Warehouse sa Caticlan, Malay.

Ito’y bilang sagot sa kahilingan ni Malay Mayor Ceciron Cawaling na maisa-ayos ito dahil narin sa matagal na itong sira at naging hinaing ng mga tao at sasakyang dumadaan doon.

Image may contain: sky, tree and outdoorNapag-alaman na noong nakaraang 2016 pa ito hiniling ni Catherine Fuljencio ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Malay sa DPWH-Aklan kung saan nakapaloob sa kanyang liham na sana mapaganda ang kalsada pati na ang drainage system at mga signages na ilalagay sa lugar.

Nabatid kasi na itong pagpapaayos ng mga kalsada ay nasa pangangasiwa ng probinsya ng Aklan.

Bilang sagot, naglaan ngayon si Fuentabella ng mahigit P 8 million na budget para sa pagkumpuni at maintenance nito.

Nakatakda namang magpulong si Mayor Cawaling at Fuentebella upang pag-usapan kung kailan sisimulan ang naturang proyekto.

Star 8 E-Trike, ipinatawag sa SB Session ng Malay

Posted August 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Naging bisita kahapon sa 25th Regular Session ng Malay ang kinatawan ng Star 8 E-trike matapos itong ipatawag ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron.

Ito’y may kaugnayan umano sa kanilang pag-ooperate sa isla ng Boracay na walang kaukulang permit na hinahawakan.

Dito, ipinunto ni Pagsuguiron sa representante ng Star 8 na si Atty. Rona Jordan kailangan nilang tumalima sa mga kinakailangan requirements bago sila mag-operate dito.

Ayon naman kay Vice Mayor Abram Sualog mas mabuti umanong magbigay sila ng respeto sa Lokal na Pamahalaan ng Malay dahil gusto nilang maging patas sa ibang public utility vehicle sa isla.

Dagdag pa Sualog, hindi umano sila tutol sa pag-operate ng Star 8 ang gusto lang nila ay maging responsible sa pagsunod ng mga patakaran.

Kaugnay nito, tinanong ni SB Floribar Bautista si Malay Transportation Office (MTO) Cesar Oczon kung ano ang kanilang aksyon dito kung saan sinagot naman ito ni Oczon nagpadala siya ng kanyang trabahante nitong huwebes sa isla para i-check itong anim umanong nakitang nag-ooperate at inisyuhan nga ng ticket para sa mga nilabag nilang ordinansa.

Samantala, sinang-ayunan ni Jordan ang kanilang pinag-usapan at ipinangakong susundin nila ang proseso at magsusumite ng mga requirements para makapag-operate ang kanilang negosyo.

Napag-alaman, may sampung Star 8 E-trike na umano dito sa isla ng Boracay ang namamasada.

Wednesday, August 02, 2017

Karpentero sa Boracay, nahuli sa pagbebenta ng iligal na droga

Posted August 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for drugsKalaboso sa pagbebenta ng iligal na droga ang isang Karpentero sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Lapuz-Lapuz, Brgy. Balabag, Boracay kahapon.

Ikinasa ng mga otoridad ang pagka-aresto sa suspek na si Roberto Castillo, 64-anyos at native ng Bugasong, Antique.

Nahuli ang suspek matapos mabilhan ng isang plastic sachet ng sinasabing shabu kapalit ng buy-bust money.

Samantala, sa isinagawa pang body search narecover pa dito ang apat na ipinagbabawal na droga.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng Boracay PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tuesday, August 01, 2017

Drug Surrenderee sa bayan ng Malay, isasailalim sa Rehabilitasyon

Posted August 1, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Dahil sa nagpapatuloy na programa ng Philippine National Police (PNP) na Oplan Double Barrel-Reloaded, mahigit 235 drug surrenderee ngayon ang nai-rekord ng bayan ng Malay.

Ayon kay SPO1 Ernesto Lomida ng Malay PNP, bukas umano Miyerkules August 2 ay magtitipun-tipon ang mga drug surrenderee sa Coverd Court ng Malay para sa isang programa.

Magiging bisita naman dito sina APPO OIC PSUPT. Lope Manlapaz, Malay Mayor Ceciron Cawaling, Barangay Anti-Drug Abuse Council o (BADAC) Barangay Officials at kapulisan ng Malay PNP.

Ani Lumida, layunin nitong ipaliwanag sa mga surrenderee ang kanilang mga gagawin at isa na nga dito ay ang pagsasailalim sa mga ito sa anim na buwang rehabilitasyon.

Samantala, itong programa ay may temang “Ginahandom ta: Pagbag-o it Kasimanwa”.

Nabatid ang Oplan Double Barrel-Reloaded ay pinangungunahan ng mga hepe ng pulisya kasama ang mga Barangay Chairman sa pagkatok sa bahay ng mga drug personalities  upang kumbinsihin ang mga itong sumuko sa batas at sumailalim sa  rehabilitasyon.

Wednesday, July 26, 2017

Tattoo artist sa Boracay, arestado sa buy-bust operation

Posted July 25, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for buybustArestado ang isang tattoo artist sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Yapak, Boracay kahapon.

Kinilala ang suspek na si Rafael Badilla y Alfabete. 34-anyos at residente ng Sitio Bolabog ng Brgy. Balabag.

Nakabili sa kanya ang nagpanggap na poseur buyer ng isang sachet ng shabu kapalit ng P 1,500 buy-bust money.

Samantala nang kapkapan, nakuha pa sa suspek ang dalawa pang sachet ng droga.

Si Badilla ay nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Boracay PNP, Malay PNP, 605 th Maritime, 12 th IB TIU at PDEA RO-6 sa ilalim ng pangangasiwa ni IAS Christina D Cabatingan, Chief Operation Division.  

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 of Article II Republic Act 9165 ang suspek.

Monday, July 24, 2017

1M na Tourist Arrival naitala sa First Half ng taon -Velete

Posted July 24, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 2 peopleMahigit 1 milyon na ang naitalang bilang ng mga bumisita sa isla sa loob lamang ng anim na buwan ng taong kasalukuyan.

Sa panayam ng Boracay Good News kay DOT Boracay Sub-Office Tourism OIC Kristoffer Leo Velete, ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na simula Enero hanggang Hunyo a trenta ay pumatak na sa 1,107,167 bilang ng tourist arrival.

Nangunguna pa rin umano sa ngayon ang mga Korean Nationals subalit hindi naman nalalayo ang bilang ng mga Chinese kung saan base sa datos isang libo lamang ang lamang nito sa pangalawa na umabot ng kabuuang 174,000.

Tinitingnang dahilan sa paglobo ng numero sa turismo ng Boracay ay ang relasyon ng bagong administrasyon sa bansang China sa kabila ng mga nangyayari sa Pilipinas.

Ayon pa kay Velete, may mga bansa rin ang napasama ngayong taon na hindi inaasahang lulobo ang bilang katulad na lamang ng bansang Malaysia na umabot sa 11,097 sa loob lamang ng kalahating taon.

Magugunitang naging numero uno ang Boracay sa Malaysian Association of Travel and Tours Inc.(MATTA) bilang Favorite Beach Destination sa taong 2015 na naging factor sa konstribusyon ng Malaysian Nationals.

Nabatid na ang lahat ng ito ay resulta ng marketing efforts ng mga agencies at mga tour companies na target ang iba’t-ibang nationalities.

Samantala, nakatulong rin umano dito ang pagdaong ng mga cruiseship na nagbigay dagdag sa tourist arrival ng taong 2017.

LGU-Malay, naghihintay nalang ng kabuuang kopya ng EO ni Duterte para sa pag-implementa ng Smoking Ban

Posted July 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for Smoking BanHinihintay na lang ngayon ng LGU-Malay ang kopya mula sa DILG o Department of Interior and Local Government para sa pag-implementa ng EO ni Pangulong Duterte patungkol sa smoking ban.

Sa panayam kay Executive Assistant IV Rowen Agguire, bagamat may sarili ng ordinansa ang Malay ay handa na umano ito sa implementasyon dahil para sa ikakabuti naman ito ng publiko.

Samantala, oras na ma-implementa ito ang mga miyembro naman ng Barangay Auxiliary Police/Brgy. Tanod at Philippine National Police (PNP) ang siyang tutulong sa pagsita sa mga lalabag dito.
Nabatid na nakapaloob sa Executive Order na hindi maaaring manigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar kabilang na sa mga sasakyan tulad ng tricycle, jeep, barko o maging sa eroplano, umaandar man o nakahinto ang mga ito.

Sa ilalim ng batas, parurusahan ang mga estabisimyento o mga tindahan na makitang nagbebenta ng sigarilyo 100 metro malapit sa mga paaralan at mga lugar ng mga menor de edad.

Nabatid ang sino mang lalabag dito ay pagmumultahin ng P500 hanggang P10, 000 at pagkansela sa business permit.

Naging epektibo na kahapon ang Executive Order No. 26 o Nationwide Smoking Ban na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Friday, July 21, 2017

ManocManoc Council, nagsagawa ng Coastal Cleanup

Posted July 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people and outdoor
Upang mapangalagaan ang kalikasan at mamintina ang kalinisan sa isla ng Boracay, isang Coastal Cleanup ang isinagawa ng Barangay ManocManoc sa kahabaan ng Tambisaan Port kahapon ng hapon.

Sa panayam kay Barangay Kagawad Marino Licerio, ang isinagawang Beach Cleanup umano ay sa inisyatibo ni Vice Mayor Abram Sualog at ng Barangay ManocManoc Council.

Katuwang sa pagpulot ng mga kalat at basura ay ang mga estudyante ng ManocManoc National High school, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at San Miguel Corporation, Kabalikat Civicom, Boracay Photographers Association at iba pang taga ManocManoc.

Image may contain: 2 people, people standing, ocean, sky, beach, outdoor, nature and waterSa kabilang dako, nagpapasalamat naman si Atty. Isabelo Bulos at empleyado ng Trans Aire dahil inimbitahan sila ng ManocManoc Council na maging bahagi ng kanilang aktibidad na tumulong sa paglilinis lalo’t malaki ang hamon ang usaping basura sa Boracay.

Paalala ni Atty. Bulos, sa ganito umanong paraan ay makahikayat sila ng ibang mga ahensya para magtulungan at maging daan upang mapangalagaan ang kagandahan ng isla ng Boracay.

Idinagdag pa nito, sa mga bahay palang umano ay dapat maglinis na o i-segregate na ang sariling basura upang hindi mahirapan ang mga basurero na maghakot nito.

Malay Mayor Ceciron Cawaling, nagpasalamat sa matagumpay na pag-haul ng mga basura sa MRF-Manocmanoc

Posted July 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Malaking hamon man ay matagumpay na nahakot at nailabas ang tone-toneladang basura ng MRF Manocmanoc.

Bilang pasasalamat, isang salo-salo ang inihanda ni Mayor Ceciron Cawaling sa mga tumulong na mahakot ang mga nakatambak na basura sa Centralized MRF ng ManocManoc na halos buwan din ang inabot.

Nabatid kasi na bago ang ibinagay na deadline ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Hulyo 17 ay halos nasimot na at naitawid na ito papuntang landfill.

Ayon kay Mayor Cawaling, lubos ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong lalo na ang mga hauler, barge operator at iba pa para mapabilis ang paglipat ng residual waste sa Sanitary Landfill sa Malay.

Dinaluhan naman ang matagumpay na pagsasaayos ng Centralized MRF ng Solid Waste Management at iba pang empleyado ng LGU-Malay.

Kaugnay nito, nakatakdang magpulong si Mayor Cawaling at mga Barangay Captain sa Boracay para sa susunod na mga hakbang na gagawin para sa usaping basura.

BBASS nais ipatupad ang Moratorium sa mga bagong Dive Schools sa Boracay

Posted July 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting, table, living room and indoorNais ngayon ng Presidente ng Boracay Business Administration of Scuba Schools (BBASS) na si Jun Bondoc na magkaroon ng Moratorium para sa mga bagong dive schools sa isla ng Boracay.

Sa isinagawang Committee Hearing nitong Martes sa bayan ng Malay, nagpulong ang mga miyembro ng ibat-ibang asosasyon na nag-ooperate sa isla at Committee Chairman on Tourism Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron.

Itong kagustuhan ni Bondoc ay para umano maprotektahan ang seguridad ng mga diving operators kaya naman inendorso nito kay SB Pagsuguiron ang kanyang kahilingan na magpasa ng isang resolusyon para sa isang moratorium.

Nabatid na mayroong 42 rehistradong diving schools dito at 37 naman ang mga nag-ooperate.

Samantala, ipina-abot ni Pagsuguiron na kanilang pag-aaralan ng kanyang mga kasamahan sa SB itong kahilingan ni Bondoc.

Thursday, July 20, 2017

Kite Boarding Assistant Instructor, arestado sa buy-bust operation

Posted July 20, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for buybustNasa kustudiya na ngayon ng Malay PNP ang isang Kite Boarding Assistant Instructor matapos itong mahuli sa pagebebenta ng iligal na droga sa Brgy. Yapak, Boracay kagabi.

Naaresto ang suspek na si Rodolfo Magay Jr. y Juakay aka “Diboy”, 28-anyos, tubong Sta. Fe Romblon at nanunuluyan sa Sitio Bolabag.

Nahuli si Magay sa pamamagitan ng poseur buyer kung saan nabilhan ito ng isang sachet ng suspected shabu kapalit ng P 1,100.00 buy-bust money.

Samantala, nakuhaan pa sa posisyon ng suspek  ang dalawa pang sachet ng ipinagbabawal na droga.

Kasong paglabag sa Section 5, Section 11 at Article II Republic Act 9165 o dangerous drugs act ang isinampang kaso kay Magay.

Matagumpay na isinagawa ang buy bust operation ng pinagsanib pwersa ng Malay PNP, Boracay PNP, Aklan Provincial Safety Company (APSC), 12th IB TIU, MIG 6 at PDEA RO-6 ang pagka-aresto sa suspek.

Tuesday, July 18, 2017

Pagwasak ng Forest Area sa Yapak, ikinadismaya ng isang Environmental Group

Posted July 18, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 1 person, beard
Ikinadismaya ng Friends of the Flying Foxes (FFF) ang pagtapyas at pagpatag sa bulubunduking bahagi ng Barangay Yapak sa isla ng Boracay.

Sa panayam ng himpilang ito kay Noa Macavinta na Board Member ng FFF, hindi umano sila sang-ayon sa isinagawang pag-bulldozed ng natitirang natural forest ng isla partikular sa nabanggit na lugar.

Ani Macavinta, nais nilang isantabi at panatilihin ang protected area na ito na pinamamahayan ng mga fruitbats o paniki na ayon sa kanilang grupo ay kakaunti na lang dahil sa mga nangyaring development sa isla.

Ayon sa FFF, alam na raw ito ng DENR at wala umano silang inisyu na ECC maging ang Barangay ay hindi rin daw nagbigay ng Barangay Clearance para galawin ang kagubatan doon.

Dahil dito, ikinukonsidera umano itong isang illegal na aksyon matapos na magsagawa sila ng paggalaw ng lupa at pagputol ng kahoy sa naturang lugar na ayon pa kay Macavinta ay wala umanong pahintulot mula sa LGU-Malay.

Kaugnay nito, naapektuhan umano ang malaking bilang ng mga paniki na katuwang sa pagpapayabong ng mga punong-kahoy sa lugar na ayon sa grupo ay endangered na.

Umaasa ngayon si Macavinta kasama ang kanilang grupo na maire-restore ang area at mapigilan ang pagwasak sa natitirang protected forest ng Boracay.


Samantala, ang nangyaring pag-bulldoze ay para raw sa malaking development sa lugar kung saan ay balak umanong patayuan ng 500-room resort ng isang malaking developer.

Monday, July 17, 2017

MRF-Manocmanoc, isang daang porsyento ng nahakot ang basura bago ang ibinagay na deadline ng DENR

Posted July 17, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Halos isang daang porsyento na umanong tapos ang ginawang paghahakot sa mga nakatambak na basura sa Centralized MRF ng ManocManoc bago ang deadline na ibinigay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ngayong araw, Hulyo 17.

Ito ang masayang ipina-abot ni LGU Executive Assistant II Jimmy Maming bilang sagot sa ibinigay na ultimatum ng DENR sa Lokal na Pamahalaan ng Malay.

Ani Maming, kahit maayos na ang basura sa MRF-ManocManoc patuloy parin ang kanilang ginagawang kalutasan sa naturang isyu.

Image may contain: sky, cloud, outdoor and natureKung matatandaan ang opisina ng (PENRO Aklan) ay nagbaba ng isang sulat nitong Marso sa Lokal na Pamahalaan ng Malay sa agarang paglipat ng residual waste sa Sanitary Landfill sa Malay at pagpapahinto ng opersayon ng Centralize MRF kung hindi ito maaksyunan.

Ito’y sa dahilan na samut-saring reklamo ang natanggap mula sa mga residente at ng paaralan ng ManocManoc dahil sa mabahong amoy na  nalalanghap.

Kaugnay nito, plano ng LGU-Malay na gawing rehabilitation center at i-develop na maging Greening System ang lugar.

Samantala, dahil natapos na ang paghaul ng mga basura muli naman nilang pag-uusapan ang Republic Act 9003, kung saan nakapaloob dito na ang lahat ng barangay ay obligado na magkaroon ng MRF.