Friday, April 01, 2016

Caticlan at Boracay isang araw na mawawalan ng suplay ng kuryente- AKELCO

Posted April 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for brownoutIsang araw na makakaranas ng brown-out ang Brgy. ng Caticlan sa bayan ng Malay at ang buong isla ng Boracay bukas araw ng Sabado Abril 2, 2016.

Base sa inilabas na kalatas ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) magsisimula ang power interruption ng alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.

Nabatid na ang dahilan ng nasabing power interruption ay ang pag-shutdown ng 69KV Avon-Caticlan-Boracay line para ma-accommodate ang hiling ng Global Business Power Corp.- AVON Rivers.

No comments:

Post a Comment