Wednesday, March 30, 2016

Cashier ng isang money changer sa Boracay, nabiktima ng magnanakaw

Posted March 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftNanlumo ang itsura ng cashier na babaeng nagsumbong sa Boracay PNP matapos mabiktima ng magnanakaw ang kanyang binabantayang money changer sa Station 2, Brgy. Balabag, kahapon.

Nakilala ang nag-rereklamo na si Jezrel Bieles 28-anyos residente ng Carles Iloilo at temporaryong nakatira sa Brgy. Manoc-manoc.

Sa report ng Boracay PNP, may isa umanong lalaki ang nagpapalit ng dollar sa kanya ngunit tinanggihan niya umano ito dahil sa wala siyang cash na pamalit sa nasabing pera ng lalaki na siya ring suspek.

Subalit nagpumilit umano ang suspek kung saan sinabihan pa umano nito ang biktima na kahit magkano lang ang cash niya ay ayos lang umano sa suspek.

Ngunit dahil sa pagtanggi ay tila may napansin ang biktima sa suspek na tila kakaiba kung saan sa ginawang pagsusuri nito ng kanyang cash box ay doon na nito napansin na nawawala na ang kanyang P21, 000.00 na pera.

Sa kabila nito, sa pag-imbestiga nila sa CCTV sa lugar ay dito natuklasan na kinuha pala ng sinasabing lalaki ang pera sa nasabing box.

No comments:

Post a Comment