Wednesday, March 23, 2016

Aklan PPO naka full-force na ngayong Semana Santa

Posted March 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for PNP sa semana santaIpinag-utos na ni Senior Superintendent John Mitchell Jamili, acting APPO director ang pagbabantay ng seguridad sa mga pangunahing lugar sa probinsya lalo na sa isla ng Boracay.

Kabilang sa mga pinalalagyan ng mga pulis ni Jamili ay ang mga terminal ng bus, mall, simbahan, paliparan at iba pang matataong lugar na dadagsain ngayong Semana Santa.

Maliban dito, pinaigting na rin ni Jamili ang seguridad sa isla ng Boracay kung saan nagsimula ng magbuhos ang dami ng mga pasahero sa mga pantalan.

Sa ngayon all-out na rin umano ang pwersa ng Boracay PNP kasama ang Philippine Army at iba pang force multipliers sa isla kung saan naka-antabay na ang lahat ng mga kapulisan sa mga tataong lugar sa isla lalo na sa long beach area.

Kaugnay nito, nakakatutok din sa pag-siguro ng segurdid ang APPO sa Tigayon at Manduyog Hills kung saan dinadagsa ito ng maraming tao at turista tuwing Semana Santa para mag station of the cross.

Samantala, nakalatag na rin ngayon ang mga help disk sa Caticlan at Cagban Jetty Port para sa inaasahang pagbuhos ng libo-libong turista at mga taong uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong araw.

No comments:

Post a Comment